Tuesday, September 14, 2010

Shaider!

Get this widget | Track details | eSnips Social DNA


(I-click ang play para mas manamnam ang pagbabasa)



Naabutan nyo pa ba si Shaider? Ako naabutan ko pa! Sa GMA yun pinapalabas dati, tuwing linggo, bago mag “LG Quiz” yung show ni Paolo Bediones at Regine Tolentino. Pero di ko alam kung saang istasyon ito original na pinalabas dito sa Pilipinas.

Astig kasi yung mga moves nya, lalo na pag dinadrayb nya yung Blue Hawk papunta sa “Time Space Warp”. Sa mata ng bata noon, kala nila si Shaider na ang sagot sa problema nila.



Syempre pag may hero, may villain. At ito ay ang higanteng mukha na si Fuuma Le-ar, di ko na naabutan nung nagkaroon sya ng katawan o kung nagkaroon man sya. Ang isa sa mga assistant ng nasabing mukha ay si Komander Drigo, wala kong matandaang istorya sa kanya, pero hanep ang costume nya. At ang isa pa ay si Ida at ang linya nyang “Time Space Warp, ngayon din!”

Mga walang kadala-dalang mga kampon ni Fuuma Le-ar, mga higanteng insekto, alikabok, balakubak at iba pa. Kadalasang mga hayop at bata ang trip nitong mga ‘to, pero wala pa rin silang panama kay Shaider.

But wait there’s more! Pag nagigipit na ang mga panget na kalaban, oras na para ihanda ang TIME SPACE WARP! At dito mas lalake at mas lalakas ang mga halimaw, kaya medyo mahihirapan ang ating bida, pero papapatalo ba si Shaider? Syempre meron din sya! Si Babylos, ang robot ni Shaider. Dito na nagiging IMBA ang ating bida, samahan mo pa ng Shaider super slash at yung iba-pang-special-moves-na-hindi-ko-alam-ang-tawag. Siguradong iyak ang kalaban!

Pero aminin man natin o hindi, lalo na sa mga lalake. E ang isa pa sa nakakapagpaligaya sa atin sa panonood nga Shaider, e yung mga pasipa-sipa ni Annie, ang sidekick ni Shaider. Talagang nakakasilaw ang mga munting tela sa ilalim ng palda niya pag nagsisirko-sirko. Guilty.



Nasan na nga ba sila ngayon? Ayon sa mga balita, patay na raw tong si Shaider, o Hiroshi Tsuburaya sa totoong buhay. Liver cancer daw ang dumale sa ating bida. Kaya kinausap ko uli si Professor Wikipedia, at totoo nga July 24, 2010 pa pala nangyari ang tuluyang pamamaalam ng ating bayani.
Si Annie (Naomi Morinaga)? Alam nyo ba kung ano? *drumroll* Pornstar! Oo! Ewan ko rin kung pano nangyari yun.

Di naman kayo kailangang malungkot (o baka lalo kayong nalungkot), dahil nagkaroon ng weirdong remake ang Shaider sa GMA, ewan ko kung ano ang mga nahithit ng mga to at naisipang gawan ng Pinoy version ang nasabing palabas. Pero ako, loyal ako sa original. Walang iwanan….



Kaw ba?




Friday, July 9, 2010

“Truman!”

Matagal na kong hindi nagpopost dito. Napakaraming dahilan. Pero ngayon ay nabiyayaan ako ng konting free time kaya lulubusin ko na………

......

….

.

.

Mag-iisang buwan na ng napanood ko sa computer namin ang pelikulang The Truman Show. Nakakapanibago dahil hindi ko masyadong nakita ang mga nakakalokong ‘facial expression’ ng idol kong si Jim Carrey. Pero di naman ako binigo ng nasabing pelikula dahil kahit konti na lang ang comedy ay naenjoy ko pa rin ito. Di ko na ikekwento ang storya, baka mapanis pa ang pelikula. Panoorin nyo na lang sa YouTube!

Pagkatapos panoorin ang pelikula, ininterview ko si Professor Wikipedia tungkol dito. At napagalaman kong ang dami palang alam ng nasabing propesor. Pero di talaga ako dun namangha, mas namangha ako nung sinabi nyang may mga reported cases na nagkasakit daw sila ng “Truman syndrome” pagkatapos manood ng pelikulang ito. Lalo ko pang kinulit si Prof. Wiki tungkol dito. At dun na nga nagsimula ang lahat……

Pakiramdam ko may “Truman Syndrome” din ako kung minsan. Pero sa tingin ko mild lang naman. Nasasagi lang sa isip ko na pano kung may camera nga sa lahat ng puntahan ko tapos pinapanood na pala ko ng buong mundo. Di naman sa lahat ng oras ganun ang isip ko. Syempre iniisip ko pa rin ang realidad. Tsaka isa pa malamang mababa ang ratings ng show ko kasi wala namang interesanteng bagay tungkol sa’kin na pang-tv show. Pero di ko pa rin maiwasang maghanap ng mga hidden camera sa bahay namin. Kasi dun sa pelikula, sobrang liit ng mga camera pero malinaw ang quality. Di ko pa rin maiwasang magtaka.

Sa kabila ng lahat, di ko naman sinusumpa ang “The Truman Show”, idol ko pa rin si Jim Carrey. At malamang papanoorin ko uli ang pelikulang ito..

 

 

(ayos ba?)

Friday, June 25, 2010

Email

gagong_blogger@yahoo.com

 Para sa mga interesado, e-mail-ad yan ng inyong lingkod. Kung may gusto kang i-request o kung ano pa, e i-email mo lang yan. At sa mga gustong magpadala ng mga love letters, hateful comments, death threats, violent reactions, request for closing,  petition sa barangay, warrant of arrest, at iba pa, eh yan din ang email na hinahanap mo

 Yun lang salamat.

 (Di pa ko nakakagawa ng bagong blog. Pahinga muna. Medyo busy ngayon eh.)




Sunday, May 23, 2010

Wakka-wakka-wakka!

Ang Pac-man, nilabas ng Namco Company noong May 22, 1980. Pero ang henyong si Toru Iwatani ang nagdesign ng nasabing laro. Puck Man ang original na pangalan nito, pero binago ito bilang Pac-Man bago ilabas sa merkado. Siguro naisip nila na ang salitang “Puck” ay gamit at gasgas na, lalo na sa mga kabataan.

 Ang goal ng larong Pac-man ay makain ang lahat ng Pac-dots sa maze ng hindi nahuhuli ng mga monsters. Pero pano pag nahuli sya? No problemo dahil may tatlong buhay si Pac-man at tsaka may mga Pac-dots na nagsisilbing power-up kay Pac-man at kayang itransform ang mga monsters bilang mga edible lifeforms. Pag naubos ang mga Pac-dots, proceed sa next round

Nakakatuwang isipin na naging isang sikat na icon ng Pop culture si Pac-man. At merong na ring mga t-shirts, caps, stickers at iba pa na nakaprint ang muka ng nasabing icon.

Nakakairitang pag na-gang rape ng mga monster si Pac-man, lalo na yung tunog habang bumubuka sya. Bad trip ako dun, kaya di ko masyadong nakahiligan ang larong ito. Pero medyo naapreciate ko na to ngayon lalo na nung nakapaglaro ako nito sa logo ng Google

May family computer kami non. At sa mga hindi nakakaalam ng Family Computer ito ay isang makina na pwedeng lagyan ng bala (na may nakalabas pang circuit board) at pwede ka nang mamili ng laro gamit ang joystick,merong 1 bala 1 laro, merong 3 in 1, 10 in 1 at ang matindi 1000 in 1. Oo meron kaming bala nun na 1000 in 1 pero sampu lang yata ang mga laro dun dahil paulit-ulit lang ang laro sa list o kung di naman eh sira. 

 Sa mga bala ng Family Computer, hindi mawawala ang larong Pac-man. Kasi isa sya sa mga pinakasikat na video game noon hanggang ngayon. Kasama ang mga larong Pong, Donkey Kong, Zelda, Contra, Super Mario Bros. at Taylor Swift dress-up sa Y8.

 Kaya bilang pagtatapos ng walang kwentang blog entry na ‘to (dala ng pagkabored). Eh binabati ko si Pac-man ng isa maligayang kaarawan! Treinta anyos ka na ‘tol. Pacanton ka naman! 




Thursday, April 29, 2010

Jejemon at its Finest!

Eto na nga, nangyari na ang good news! Umabot na sa news ang mga pinakamamahal nating grupo ng tao sa mundo. Ang mge JejEm0nZz! Jejeje! Ibig sabihin makikilala na sila sa buong Pilipinas. Makakaabot na sila kahit sa mga liblib na lugar. At ibig sabihin din nun. Mas sikat na sila sa mga EMO!

 

Naku mukang sinusumpong na naman ako……..

 

zZovrA n tLgHa anG kaxSikAtaN nmHing mGa jeJemoNx! G0 mGa kaphWa ko JeJes! i2LoY lNg nThiN aNg mGha nAta2mOng naTing zuXeS. loLz….

 

Ayon sa balita kanina. Nagkakaroon na rin pala sila ng sariling fashion. Ang Jejecap! Yung mga sombrerong nakapatong lang sa ulo di na sinusuksok. Tapos ang sombrero eh yung mga net cap na kulay itim na may mga linya na “neon colors” sa net nito. At ang Jejepose! Mga nakapeace sign pero pabaliktad. Para pa letter “A” imbis na “V”. Tapos samahan mo nang mahabng bangs at itim na Cutix. Voila! Isa ka nang JejEmo. Ang Fusion ng mga Jejemon at Emo.

 

Dapat magkaroon na rin tayo este sila ng sariling partylist. Anong Pangalan? J.E.J.E.M.O.N.! Justice and Equality for the Jejemons and Emos, the Mistakes Of the Nation! Yan ah, binigyan ko na kayo ng pangalan. Kaso bawal ng mag-file ng CoC. Next election na lang, para may bagong party-list naman. Nakakasawa na kasi yung mga Anakpawis, Bayan Muna at Gabriela…

 

Kaya wag kalimutan sa darating na taong 2013, iboto ang J.E.J.E.M.O.N.! nAgzUzUloNg nG phAntaY na pHagTingIn za mGa tAo! Jejeje!




Tuesday, April 27, 2010

*Ang Ina ko, Bow!

Sa darating na buwan ng Mayo,

Ikalawang linggo, para eksakto,

Ay ipagdidiriwang ang isang mahalagang okasyon

Hindi bertdey, pyesta at lalong hindi eleksyon!

Kundi Mother’s Day o Araw ng mga Ina

Hoy! Batiin mo naman sila!

 

Sya lang ang mga taong lubos tayong kilala

Mula pagkabata hanggang sa tayo’y magkapamilya

Sya lang ang umiintindi sa ugali natin

Kahit tayo ay salbahe o kulang sa pansin

Sya lang ang magtyatyagang makiramay sa ating problema

Nakapatay ka man, handa syang maging abugada!

 

Mama, nanay, mommy, ina

Ano man ang tawag mo sa kanya,

Dapat mahalin mo sya ng tunay,

Dahil sya ang naghirap ng siyam na buwan para tayo’y mabuhay

Iwan ka man ng mundo,

Ang nanay mo ay nandyan pa rin para sa’yo

 

Kahit bad trip kang umuwi galing trabaho o eskwela

Sasabihin nya pa rin “O kumain ka na ba?”

Magtampo ka man sa kanya,

Ipagluluto ka pa rin nya ng paborito mong tinola

Astig talaga ang mga ina,

Kahit di sya lumunok ng bato, ipagtatanggol ka nya!

 

Kaya sa darating na ikalawang linggo ng Mayo,

Ibalik mo naman sa kanya ang pagmamahal na ibingay nya sa’yo

Isang araw lang naman to sa isang taon

Hindi naman siguro mahirap yon

Kahit simpleng “tenk you” lang ok na

Para sa mga superhero nating ina!

 

BOW!!!




 

Friday, April 23, 2010

Jejemon!

Dahil sa ginawang kapalpakan dito. Pwede na pala akong maturing na isang Jejemon! Para sa mga di nakakaalam ng Jejemon, ito ay mga taong ang tanging lenggwahe ay ang Jeje. Jeje o yung mga “zAliTang nAkhakhAiriTang baZhAhin”. Meron na palang mga grupong ganto sa kung saan-saang mga social networking sites. At patuloy silang dumadami. Pahamak na LiL’ Zuplado yun parang virus tuloy ang pagkalat ng mga Jejemons ngayon.

Para sa mga Jejemon wannabe, i-click mo to, para di na kayo mahirapan. At para naman sa mga gustong magpakaAmpatuan at gustong ipamassacre ang Jejemon, punta ka naman dito.