Tuesday, December 8, 2009

Border!

Marami na kaming naging “border” sa bahay. Pero hindi tao, kundi mga hayop, oo, pets.

Sa ngayon meron kaming 1 aso, 1 lovebird (oo isa lang, wala syang love) at di mabilang na ipis at daga.

Pangalan ng aso namin si MAGNET, bakit Magnet? Sabi ng iba, dahil daw Science Teacher ang nanay ko, mali yan! Ang totoo eh dahil yan sa isang pangalan ng character sa isang Korenovela! Yung lovebird naman namin eh JUMONG (kung hindi ako nagkakamali) ang pangalan, yung kasama nya dati pangalan eh JANG GEUM. Pero nakakapagtaka dahil sabi nila, pag daw walang kasama ang LOVEBIRD eh asahan mo na ang pagkamatay nito, pero samin parang mas gusto nyang magsolo. EMO?

Pero hindi lang yan ang mga naging pets namin, marami pang iba…

Jack – Aso, Grade 1 ako nung nanirahan sya sa’min, pero di nya natakasan ang malulupit na hampas ng tatay ko dahil sa kung anong dahilan. Kaya yun, kailangan namin syang ibigay sa iba, pero di rin nagtagal kinuha na rin sya ni LORD.

Muning – Pusa (syempre), hindi sya talaga nakatira sa’min, napunta lang sya pag kakain na, tsaka sya rin ang ultimate “daga-buster” sa bahay non, kaya naubos ang population ng daga sa bahay namin dati. Pero gaya nga ng sinabi ko, napunta lang sya dun para kumain at tsaka manganak. San napupunta ang mga kuting? Ayun dinadala sa bukid.

TRIVIA: Ang isa nya pang pangalan eh MING-MING

Jessie at Justin – Lovebird, wala kong kwento sa kanila dahil ang tungkulin ko lang sa kanila ay pakainin sila.

TRIVIA: Di lang sila ang naging lovebirds namin, marami pa. pero di ko alam ang pangalan

Raffy – Aso ulit, eto ang pinakalatest naming pet, pero sya rin ang pinakamabilis na tumira sa’min. Dahil sa sandamakmak na dahilan, kaya sya pinamigay, isa na dito ay may lahi sya! Oo, mas sanay kami sa asong walang breed. Ang epekto ng pagiging may lahi nya ay kailangan nasa loob sya ng bahay, magiingay yan pag nasa labas, tapos pag nasa loob sya, asahan mo ang mga kulay light brown na bagay na parang peanut butter ang itsura na nakakalat sa bahay nyo. Eto pa isang istorya, unang araw nya sa’min, matutulog na sana ko ng nakita ko ang nasabing bagay sa kwarto ko, “te, tumae yung aso dito!!” sobrang bad trip na sigaw ko, isa lang ang nasa isip ko noon, “sira ulo tong aso na to ah, nagbeuna mano pa sa kwarto ko???” kaya ngayon nalaman kong mas may sayad pala ang asong may mga breed.

Siguro tama na sa’min ang 1 aso lang. Tama na yung isa lang ang magtatatahol pag nandyan na ang truck ng basura. Tama na yung isa lang na nangatngat ng mga disconnection notice. At tama na yung isa na nagpapapanghe sa terrace namin….

At tama na yung isa na nananahol sa mga batang nakanta nang…….

“Sa may bahay, maraming bati…”

Merry CHRISTMAS!