Nauuso na naman ang mga action movies noong 80’s-90’s. At isa sa pagkakapareho ng mga pelikulang ito, na hindi dapat mawala ay, ang syempre, mga goons. At parepareho lang ang ugali nila, eto ang ilan..
Naka-leather jacket kahit tanghaling tapat at nasa loob ng mainit warehouse – eto ang pinakacommon sa mga goons, sino kayang g*** ang nakaisip nito!? Diba nila naisip na TAO rin ang mga goons at sila’y naiinitan din?? Wag din kalimutan ang shades!
Nangkikidnap - pag di matalo ng boss (kontrabida) ang bida, malamang ipapautos na lang niya sa mga goons na kidnapin ang anak nito, kung walang anak ang bida, magulang nya, kung wala ring magulang, malamang ka-loveteam nya, kung walang leading lady ang bida, malamang wala ring patok na action movie dahil mawawala rin ang mga isang minutong bed scene na aminin na natin, yun lang ang hinihintay natin sa buong pelikula (hmm, aminin!)
Rapist – di rin mawawala ang mga scene sa clubhouse kung saan ang paboritong tambayan ng mga goons, at pag lasing na ang mga goons, pupuntahan nila ang isang babae at pagkatapos ay momolestiyahin, pero mabibitin ang mga manonood dahil di ito matutuloy sapagkat darating na ang bida, at eto ang magliligtas sa babae, na kadalasan ay eto rin ang kanyang magiging leading lady.
Yosi Kadiri – mahilig din silang manigarilyo, bawat scene nila meron nakasalpak na Marlboro (ang official yosi ng mga goons!) sa bibig nila. At pag nakaharap nila ang bida itatapon nila ito sa harap ng bida at dun na maguumpisa ang makulay na suntukan.
Maangas – sa titig pa lang, parang gusto na nilang lumapa ng tao. Kadalasan din sila yung may linyang “ano boss, gusto niyo patayin na natin to eh!” pero pipigilan sila ng boss, dahil gusto nya na humaba pa ang pelikula este buhay ng bida. Kaya sa huli makakatakas ang bida dahil sa pagiging pakipot ng boss.
Di marunong umasinta – kahit anong klaseng baril ang gamit nila at kahit gaano sila kadami, hindi at HINDI nila kayang tamaan ang bida. Kung tinamaan man, kadalasan daplis lang to. At sa huli sila ang raratratin ng bida.
Walang dalang stock ng bala – sa una, raratin nya ang bida na parang wala nang bukas, pero dahil nga di sila marunong umasinta, di nila tatamaan ang bida, at pag oras na ng bida para bumaril, biglang mauubusan ng bala ang mga goons at yun ang ikakasawi nya.
Hindi synchronized – isa rin tong common. Pag walang baril na hawak ang bida at goons, mauuwi na lang to sa combat fighting. At syempre para mapanatiling ligtas at buhay ang bida, hindi sabay-sabay na susugod ang mga goons. Kaya mas mapapadali sa bida ang banat.
Masamang damo/ siyam ang buhay – pero kahit pagbigyan nila ang bida, hindi pa rin sila dapat mawala sa pelikula, kung may mawawala man, may mapapalit kaagad ang boss. Siguro tumatawag ito sa “Goons Agency”?
Kabute – meron ding scene kung saan cocornerin nila ang bida at ang leading lady habang sila ay nagdedate. Pero para maging mabisa ang plano, kailangan manggagaling sila sa kung saang-saang lugar. Yung iba sa likod ng puno, sa sasakyan, sa simbahan, at kung saan-saan. Pero tulad ng dati natatalo pa rin sila ng bida dahil nga hindi sila synchronized.
“boss anong gusto niyong gawin namin dito?”
“aba ang yabang nito ah!”
“sumapi ka na kasi kay boss!”
“arrrrrghhhhhhhh” – (habang bumabaril)
“wahahahaha”- (habang bumabaril o nangrerape)
“boss, nahuli na naming yung (pangalan ng bida), anong gusto nyong gawin namin?”
“boss, nakawala!”
“ay ******, bat mo pinakawalan” (sabi ng isang goons sa kapwa nya goons, pero sa totoo pareho silang nakatulog kaya nakatakas ang bida)
“miss, ang sexy mo naman!” (pagkatapos sabihin yan, automatic na tatawa ang ibang goons)
(kung may naisip pa kayong ibang ugali at linya ng mga goons na di nabanggit, i-comment nyo lang at ilalagay natin dito)