Matagal na kong hindi nagpopost dito. Napakaraming dahilan. Pero ngayon ay nabiyayaan ako ng konting free time kaya lulubusin ko na………
......
….
…
…
.
.
Mag-iisang buwan na ng napanood ko sa computer namin ang pelikulang The Truman Show. Nakakapanibago dahil hindi ko masyadong nakita ang mga nakakalokong ‘facial expression’ ng idol kong si Jim Carrey. Pero di naman ako binigo ng nasabing pelikula dahil kahit konti na lang ang comedy ay naenjoy ko pa rin ito. Di ko na ikekwento ang storya, baka mapanis pa ang pelikula. Panoorin nyo na lang sa YouTube!
Pagkatapos panoorin ang pelikula, ininterview ko si Professor Wikipedia tungkol dito. At napagalaman kong ang dami palang alam ng nasabing propesor. Pero di talaga ako dun namangha, mas namangha ako nung sinabi nyang may mga reported cases na nagkasakit daw sila ng “Truman syndrome” pagkatapos manood ng pelikulang ito. Lalo ko pang kinulit si Prof. Wiki tungkol dito. At dun na nga nagsimula ang lahat……
Pakiramdam ko may “Truman Syndrome” din ako kung minsan. Pero sa tingin ko mild lang naman. Nasasagi lang sa isip ko na pano kung may camera nga sa lahat ng puntahan ko tapos pinapanood na pala ko ng buong mundo. Di naman sa lahat ng oras ganun ang isip ko. Syempre iniisip ko pa rin ang realidad. Tsaka isa pa malamang mababa ang ratings ng show ko kasi wala namang interesanteng bagay tungkol sa’kin na pang-tv show. Pero di ko pa rin maiwasang maghanap ng mga hidden camera sa bahay namin. Kasi dun sa pelikula, sobrang liit ng mga camera pero malinaw ang quality. Di ko pa rin maiwasang magtaka.
Sa kabila ng lahat, di ko naman sinusumpa ang “The Truman Show”, idol ko pa rin si Jim Carrey. At malamang papanoorin ko uli ang pelikulang ito..