Tuesday, September 14, 2010

Shaider!

Get this widget | Track details | eSnips Social DNA


(I-click ang play para mas manamnam ang pagbabasa)



Naabutan nyo pa ba si Shaider? Ako naabutan ko pa! Sa GMA yun pinapalabas dati, tuwing linggo, bago mag “LG Quiz” yung show ni Paolo Bediones at Regine Tolentino. Pero di ko alam kung saang istasyon ito original na pinalabas dito sa Pilipinas.

Astig kasi yung mga moves nya, lalo na pag dinadrayb nya yung Blue Hawk papunta sa “Time Space Warp”. Sa mata ng bata noon, kala nila si Shaider na ang sagot sa problema nila.



Syempre pag may hero, may villain. At ito ay ang higanteng mukha na si Fuuma Le-ar, di ko na naabutan nung nagkaroon sya ng katawan o kung nagkaroon man sya. Ang isa sa mga assistant ng nasabing mukha ay si Komander Drigo, wala kong matandaang istorya sa kanya, pero hanep ang costume nya. At ang isa pa ay si Ida at ang linya nyang “Time Space Warp, ngayon din!”

Mga walang kadala-dalang mga kampon ni Fuuma Le-ar, mga higanteng insekto, alikabok, balakubak at iba pa. Kadalasang mga hayop at bata ang trip nitong mga ‘to, pero wala pa rin silang panama kay Shaider.

But wait there’s more! Pag nagigipit na ang mga panget na kalaban, oras na para ihanda ang TIME SPACE WARP! At dito mas lalake at mas lalakas ang mga halimaw, kaya medyo mahihirapan ang ating bida, pero papapatalo ba si Shaider? Syempre meron din sya! Si Babylos, ang robot ni Shaider. Dito na nagiging IMBA ang ating bida, samahan mo pa ng Shaider super slash at yung iba-pang-special-moves-na-hindi-ko-alam-ang-tawag. Siguradong iyak ang kalaban!

Pero aminin man natin o hindi, lalo na sa mga lalake. E ang isa pa sa nakakapagpaligaya sa atin sa panonood nga Shaider, e yung mga pasipa-sipa ni Annie, ang sidekick ni Shaider. Talagang nakakasilaw ang mga munting tela sa ilalim ng palda niya pag nagsisirko-sirko. Guilty.



Nasan na nga ba sila ngayon? Ayon sa mga balita, patay na raw tong si Shaider, o Hiroshi Tsuburaya sa totoong buhay. Liver cancer daw ang dumale sa ating bida. Kaya kinausap ko uli si Professor Wikipedia, at totoo nga July 24, 2010 pa pala nangyari ang tuluyang pamamaalam ng ating bayani.
Si Annie (Naomi Morinaga)? Alam nyo ba kung ano? *drumroll* Pornstar! Oo! Ewan ko rin kung pano nangyari yun.

Di naman kayo kailangang malungkot (o baka lalo kayong nalungkot), dahil nagkaroon ng weirdong remake ang Shaider sa GMA, ewan ko kung ano ang mga nahithit ng mga to at naisipang gawan ng Pinoy version ang nasabing palabas. Pero ako, loyal ako sa original. Walang iwanan….



Kaw ba?