Tuesday, September 14, 2010

Shaider!

Get this widget | Track details | eSnips Social DNA


(I-click ang play para mas manamnam ang pagbabasa)



Naabutan nyo pa ba si Shaider? Ako naabutan ko pa! Sa GMA yun pinapalabas dati, tuwing linggo, bago mag “LG Quiz” yung show ni Paolo Bediones at Regine Tolentino. Pero di ko alam kung saang istasyon ito original na pinalabas dito sa Pilipinas.

Astig kasi yung mga moves nya, lalo na pag dinadrayb nya yung Blue Hawk papunta sa “Time Space Warp”. Sa mata ng bata noon, kala nila si Shaider na ang sagot sa problema nila.



Syempre pag may hero, may villain. At ito ay ang higanteng mukha na si Fuuma Le-ar, di ko na naabutan nung nagkaroon sya ng katawan o kung nagkaroon man sya. Ang isa sa mga assistant ng nasabing mukha ay si Komander Drigo, wala kong matandaang istorya sa kanya, pero hanep ang costume nya. At ang isa pa ay si Ida at ang linya nyang “Time Space Warp, ngayon din!”

Mga walang kadala-dalang mga kampon ni Fuuma Le-ar, mga higanteng insekto, alikabok, balakubak at iba pa. Kadalasang mga hayop at bata ang trip nitong mga ‘to, pero wala pa rin silang panama kay Shaider.

But wait there’s more! Pag nagigipit na ang mga panget na kalaban, oras na para ihanda ang TIME SPACE WARP! At dito mas lalake at mas lalakas ang mga halimaw, kaya medyo mahihirapan ang ating bida, pero papapatalo ba si Shaider? Syempre meron din sya! Si Babylos, ang robot ni Shaider. Dito na nagiging IMBA ang ating bida, samahan mo pa ng Shaider super slash at yung iba-pang-special-moves-na-hindi-ko-alam-ang-tawag. Siguradong iyak ang kalaban!

Pero aminin man natin o hindi, lalo na sa mga lalake. E ang isa pa sa nakakapagpaligaya sa atin sa panonood nga Shaider, e yung mga pasipa-sipa ni Annie, ang sidekick ni Shaider. Talagang nakakasilaw ang mga munting tela sa ilalim ng palda niya pag nagsisirko-sirko. Guilty.



Nasan na nga ba sila ngayon? Ayon sa mga balita, patay na raw tong si Shaider, o Hiroshi Tsuburaya sa totoong buhay. Liver cancer daw ang dumale sa ating bida. Kaya kinausap ko uli si Professor Wikipedia, at totoo nga July 24, 2010 pa pala nangyari ang tuluyang pamamaalam ng ating bayani.
Si Annie (Naomi Morinaga)? Alam nyo ba kung ano? *drumroll* Pornstar! Oo! Ewan ko rin kung pano nangyari yun.

Di naman kayo kailangang malungkot (o baka lalo kayong nalungkot), dahil nagkaroon ng weirdong remake ang Shaider sa GMA, ewan ko kung ano ang mga nahithit ng mga to at naisipang gawan ng Pinoy version ang nasabing palabas. Pero ako, loyal ako sa original. Walang iwanan….



Kaw ba?




Friday, July 9, 2010

“Truman!”

Matagal na kong hindi nagpopost dito. Napakaraming dahilan. Pero ngayon ay nabiyayaan ako ng konting free time kaya lulubusin ko na………

......

….

.

.

Mag-iisang buwan na ng napanood ko sa computer namin ang pelikulang The Truman Show. Nakakapanibago dahil hindi ko masyadong nakita ang mga nakakalokong ‘facial expression’ ng idol kong si Jim Carrey. Pero di naman ako binigo ng nasabing pelikula dahil kahit konti na lang ang comedy ay naenjoy ko pa rin ito. Di ko na ikekwento ang storya, baka mapanis pa ang pelikula. Panoorin nyo na lang sa YouTube!

Pagkatapos panoorin ang pelikula, ininterview ko si Professor Wikipedia tungkol dito. At napagalaman kong ang dami palang alam ng nasabing propesor. Pero di talaga ako dun namangha, mas namangha ako nung sinabi nyang may mga reported cases na nagkasakit daw sila ng “Truman syndrome” pagkatapos manood ng pelikulang ito. Lalo ko pang kinulit si Prof. Wiki tungkol dito. At dun na nga nagsimula ang lahat……

Pakiramdam ko may “Truman Syndrome” din ako kung minsan. Pero sa tingin ko mild lang naman. Nasasagi lang sa isip ko na pano kung may camera nga sa lahat ng puntahan ko tapos pinapanood na pala ko ng buong mundo. Di naman sa lahat ng oras ganun ang isip ko. Syempre iniisip ko pa rin ang realidad. Tsaka isa pa malamang mababa ang ratings ng show ko kasi wala namang interesanteng bagay tungkol sa’kin na pang-tv show. Pero di ko pa rin maiwasang maghanap ng mga hidden camera sa bahay namin. Kasi dun sa pelikula, sobrang liit ng mga camera pero malinaw ang quality. Di ko pa rin maiwasang magtaka.

Sa kabila ng lahat, di ko naman sinusumpa ang “The Truman Show”, idol ko pa rin si Jim Carrey. At malamang papanoorin ko uli ang pelikulang ito..

 

 

(ayos ba?)

Friday, June 25, 2010

Email

gagong_blogger@yahoo.com

 Para sa mga interesado, e-mail-ad yan ng inyong lingkod. Kung may gusto kang i-request o kung ano pa, e i-email mo lang yan. At sa mga gustong magpadala ng mga love letters, hateful comments, death threats, violent reactions, request for closing,  petition sa barangay, warrant of arrest, at iba pa, eh yan din ang email na hinahanap mo

 Yun lang salamat.

 (Di pa ko nakakagawa ng bagong blog. Pahinga muna. Medyo busy ngayon eh.)




Sunday, May 23, 2010

Wakka-wakka-wakka!

Ang Pac-man, nilabas ng Namco Company noong May 22, 1980. Pero ang henyong si Toru Iwatani ang nagdesign ng nasabing laro. Puck Man ang original na pangalan nito, pero binago ito bilang Pac-Man bago ilabas sa merkado. Siguro naisip nila na ang salitang “Puck” ay gamit at gasgas na, lalo na sa mga kabataan.

 Ang goal ng larong Pac-man ay makain ang lahat ng Pac-dots sa maze ng hindi nahuhuli ng mga monsters. Pero pano pag nahuli sya? No problemo dahil may tatlong buhay si Pac-man at tsaka may mga Pac-dots na nagsisilbing power-up kay Pac-man at kayang itransform ang mga monsters bilang mga edible lifeforms. Pag naubos ang mga Pac-dots, proceed sa next round

Nakakatuwang isipin na naging isang sikat na icon ng Pop culture si Pac-man. At merong na ring mga t-shirts, caps, stickers at iba pa na nakaprint ang muka ng nasabing icon.

Nakakairitang pag na-gang rape ng mga monster si Pac-man, lalo na yung tunog habang bumubuka sya. Bad trip ako dun, kaya di ko masyadong nakahiligan ang larong ito. Pero medyo naapreciate ko na to ngayon lalo na nung nakapaglaro ako nito sa logo ng Google

May family computer kami non. At sa mga hindi nakakaalam ng Family Computer ito ay isang makina na pwedeng lagyan ng bala (na may nakalabas pang circuit board) at pwede ka nang mamili ng laro gamit ang joystick,merong 1 bala 1 laro, merong 3 in 1, 10 in 1 at ang matindi 1000 in 1. Oo meron kaming bala nun na 1000 in 1 pero sampu lang yata ang mga laro dun dahil paulit-ulit lang ang laro sa list o kung di naman eh sira. 

 Sa mga bala ng Family Computer, hindi mawawala ang larong Pac-man. Kasi isa sya sa mga pinakasikat na video game noon hanggang ngayon. Kasama ang mga larong Pong, Donkey Kong, Zelda, Contra, Super Mario Bros. at Taylor Swift dress-up sa Y8.

 Kaya bilang pagtatapos ng walang kwentang blog entry na ‘to (dala ng pagkabored). Eh binabati ko si Pac-man ng isa maligayang kaarawan! Treinta anyos ka na ‘tol. Pacanton ka naman! 




Thursday, April 29, 2010

Jejemon at its Finest!

Eto na nga, nangyari na ang good news! Umabot na sa news ang mga pinakamamahal nating grupo ng tao sa mundo. Ang mge JejEm0nZz! Jejeje! Ibig sabihin makikilala na sila sa buong Pilipinas. Makakaabot na sila kahit sa mga liblib na lugar. At ibig sabihin din nun. Mas sikat na sila sa mga EMO!

 

Naku mukang sinusumpong na naman ako……..

 

zZovrA n tLgHa anG kaxSikAtaN nmHing mGa jeJemoNx! G0 mGa kaphWa ko JeJes! i2LoY lNg nThiN aNg mGha nAta2mOng naTing zuXeS. loLz….

 

Ayon sa balita kanina. Nagkakaroon na rin pala sila ng sariling fashion. Ang Jejecap! Yung mga sombrerong nakapatong lang sa ulo di na sinusuksok. Tapos ang sombrero eh yung mga net cap na kulay itim na may mga linya na “neon colors” sa net nito. At ang Jejepose! Mga nakapeace sign pero pabaliktad. Para pa letter “A” imbis na “V”. Tapos samahan mo nang mahabng bangs at itim na Cutix. Voila! Isa ka nang JejEmo. Ang Fusion ng mga Jejemon at Emo.

 

Dapat magkaroon na rin tayo este sila ng sariling partylist. Anong Pangalan? J.E.J.E.M.O.N.! Justice and Equality for the Jejemons and Emos, the Mistakes Of the Nation! Yan ah, binigyan ko na kayo ng pangalan. Kaso bawal ng mag-file ng CoC. Next election na lang, para may bagong party-list naman. Nakakasawa na kasi yung mga Anakpawis, Bayan Muna at Gabriela…

 

Kaya wag kalimutan sa darating na taong 2013, iboto ang J.E.J.E.M.O.N.! nAgzUzUloNg nG phAntaY na pHagTingIn za mGa tAo! Jejeje!




Tuesday, April 27, 2010

*Ang Ina ko, Bow!

Sa darating na buwan ng Mayo,

Ikalawang linggo, para eksakto,

Ay ipagdidiriwang ang isang mahalagang okasyon

Hindi bertdey, pyesta at lalong hindi eleksyon!

Kundi Mother’s Day o Araw ng mga Ina

Hoy! Batiin mo naman sila!

 

Sya lang ang mga taong lubos tayong kilala

Mula pagkabata hanggang sa tayo’y magkapamilya

Sya lang ang umiintindi sa ugali natin

Kahit tayo ay salbahe o kulang sa pansin

Sya lang ang magtyatyagang makiramay sa ating problema

Nakapatay ka man, handa syang maging abugada!

 

Mama, nanay, mommy, ina

Ano man ang tawag mo sa kanya,

Dapat mahalin mo sya ng tunay,

Dahil sya ang naghirap ng siyam na buwan para tayo’y mabuhay

Iwan ka man ng mundo,

Ang nanay mo ay nandyan pa rin para sa’yo

 

Kahit bad trip kang umuwi galing trabaho o eskwela

Sasabihin nya pa rin “O kumain ka na ba?”

Magtampo ka man sa kanya,

Ipagluluto ka pa rin nya ng paborito mong tinola

Astig talaga ang mga ina,

Kahit di sya lumunok ng bato, ipagtatanggol ka nya!

 

Kaya sa darating na ikalawang linggo ng Mayo,

Ibalik mo naman sa kanya ang pagmamahal na ibingay nya sa’yo

Isang araw lang naman to sa isang taon

Hindi naman siguro mahirap yon

Kahit simpleng “tenk you” lang ok na

Para sa mga superhero nating ina!

 

BOW!!!




 

Friday, April 23, 2010

Jejemon!

Dahil sa ginawang kapalpakan dito. Pwede na pala akong maturing na isang Jejemon! Para sa mga di nakakaalam ng Jejemon, ito ay mga taong ang tanging lenggwahe ay ang Jeje. Jeje o yung mga “zAliTang nAkhakhAiriTang baZhAhin”. Meron na palang mga grupong ganto sa kung saan-saang mga social networking sites. At patuloy silang dumadami. Pahamak na LiL’ Zuplado yun parang virus tuloy ang pagkalat ng mga Jejemons ngayon.

Para sa mga Jejemon wannabe, i-click mo to, para di na kayo mahirapan. At para naman sa mga gustong magpakaAmpatuan at gustong ipamassacre ang Jejemon, punta ka naman dito.




Tuesday, April 20, 2010

Huli man daw at magaling.....

R.I.P. Reynaldo Alfredo R. Hipolito, Sr. (Palito)

Malamang di na makahinga ang mga Anghel doon....





^uNtiTLeD^!

nKkiniZ b @Ng BgOng praAn kO Ng PgZzzZUuUUuLt? aQ 0o! nAiinizz aQ zA mgA zObRang 0A na qNg mAgtYpE! pErO dPat mAkiZzZZaBayYyY aQ s uZo. Kya gan2 q MgtAtYpppppe nGayOn. (nGaUn lNg nmaN 2, S mga Zz. qNg blOgzzZZ, eHhhHHh N0rMal n Ulit). pEr0 qnG naLi2yo k n, eH maGhinTaiiiiiiiii k N lnG UliT nG pniBaGo. 0kkkkkkkk b Un? LolZZZZzzZzZZzZ!

tLamAk aNg mGa Gant0 nGaun, LolzZZz! LaL0 nA s mgA kBataaN. pERo0 kA3Dad q mAn zLA, dI aKo mAgpA2zKoP s KniLa! hEhe nAgiGing AkTiBizzzzzZta N b mE? LoLzzzZ, RoFlmAo!

This Blog is brough to you by… (oras mo na para magpahinga)……

iSa s Mg@ zumiKAt s gNtoNg LarAngaN ay z Lil’ ZuPlaDo! (iClicKzZ aNg PAngaLAn pra z@ kaRgdAgAng iMfoRmAtiOn, H3h3 LuLz).

zA tWinG, Nka2taNgGapzzzz akO ng Mga tXxt o sa Mga cHatzzZ nA k2LhAdzZ nitO, eH pnPiliTTtTT qnG unawAin uN, mALaY mu ImpoRtant pALa Un, p3ro nAkkaiNiz kuNg anG nakALgaY lNg pLa eH, “h3y guYzZZZzzzzzzzzZzzzzzzzzzZZ! kAkAin lNg kAmi za zTArbuCKz! vRV mGa DooooOooODZzzZz! ktA kiTzZzz tAuuUu lA8Er hA!”. S a tinGin m0, AnoNg liGaya Ang MAtAtamo mO sa pagBABAsa nG mGa gntOng mEssagezzzZZ??!? tApoS S Huli ng menSah3 may NAkAlagY na “Geeeeiiiiii-EhmMMm ni GagOnGbLogErrZ _55, PizZzZ oUt”. NakAkapAgBigay va Ng kapaYaan Un????///

In My opiNiOnzZ (Wow engliSh, Lolz), dPat kAzuhaN anG mGA tAong gANyAn mAgtYpe. DAHiL d zLa nAka2tuWa! peRo oPHhHiniOnzZ q lAng nmAn uN.  phEro0 zAna nAmn auzZiN ny0 nG Qnti kZ bka mAsktan kO kAu….. lOlZ

tItIgiL na Q dHiL bKa D mO kYa pA……

 

bLoGgg nI GagOng bLogg3rZ……. “JuZZzZzZt fhAll in2 phlaZZze & uUu'll fhHall on2 me. W3''ll mhHhaKkKe it 0o0out. Yo000u'll c”... phAkShEtTtT gndnG kOwtzZ… loLz…. piZzZ oUt!




Thursday, April 15, 2010

Videoke World!

Ang isa sa mga libangan ng mga Pinoy ay ang kumanta, Bertdey, habang naliligo, habang kumakain, nagiinuman, naglalaba, pati  Semana Santa, lahat yan kinakanta ng mga Pinoy. Sabi ng libro ko sa Sibika, na simula Grade 1 hanggang Grade 6 eh yun lang din ang laman, eh mga ninuno pa lang natin eh mahilig ng kumanta, habang nagaalay ng mga pagkain oh habang sinasamba ang mga diyos nila, lahat yan dinadaan nila sa kanta.

Hanggang sa dumating ang mga EspaƱol, at nagevolve ito sa harana, mas high tech to kasi may gitara na, kung dati mga tambol at kulintang lang, nung panahon ng Kastila pwede na silang mag Rock ‘n Roll!

Nung pagdating naman ng Hapon, nasubukan naman ang mga Pinoy kung kaya nilang umarte habang kumakanta at eto ang pagsisimula ng teatro sa Pilipinas. Parang GLEE ang dating, musical. At dito rin nakilala ang mga beteranong artista tulad nila dolphy, German Moreno, at iba pa (wala na ko kilala, di ko na kasi naabot yan eh)

At kasabay ng pag ikot ng mundo patuloy na nagevolve ang musikang Pinoy, hanggang sa umabot na ito sa mga NAKAKAIRITANG videoke sa tanghali! Sinasabing mga Pinoy din daw ang nagimbento ng nasabing makina. Kaya malamang tayo rin ang pinakamadalas na gumamit nito. Pero di porket tayo na ang nakaimbento, eh dapat na natin itong gamitin kahit kailan habang may mga kapitbahay na pilit naghahabol ng tulog. May tamang oras para gawin ito, halimbawa tuwing bagong taon, bagay na bagay yun dahil lahat ng tao gising. Walang maiinis sayo.  Meron din naman mga panahon kung saan “restricted” gamitin ang mga Videoke. Tulad na lang sa tanghalin tapat. Pero pilit itong nilalabag. Sino ba naman ***** ang nakaisip na bumirit ng tanghaling tapat at summer. Malamang minasaker na yung taong yun. Diba nakakairita yun habang bumabawi ka ng tulog dahil di ka natulog kagabi dahil sa mga Videokeng naghihiyawan, tapos di ka pa rin pagbibigyan sa tanghali. Nakakanginig ng laman! Pero kung may mas iirita pa dun eh yun yung mga feedback ng mic dahil sa mga makukulit na batang pilit pinagkakasya yung mic sa mga bibig nila, di ba nila naiisip na nakakayamot yung mga matitining na tunog na yun?

Hay! Grabe talaga ang Pinoy, basta’t may pagkakataon kukunin ang mic at pipiliting ibirit ang “I Will Always Love You”, di na nila iniisip na sintunado sila o nakakarindi sa mga kapitbahay o ayaw ng ibang tao ang pinili nilang kanta. Basta masaya sila sa ginagawa nila. YAN ANG PINOY!

 

(ginawa nya ang blog na to hapon ng April 15, pero simula tanghali di pa rin tapos ang mga nagvivideoke sa kalapit-bahay nila. Kalunos-lunos na ang mga pangyayari.)

 

PS – “Sige, pagpatuloy niyo lang Unti-unting lunurin sa kasiyahan (yeah!) Sige, pagpasensiyahan na lang Mga pumipigil sa ating ligaya (woohoo!)”




 

Wednesday, March 31, 2010

“Goons!”

Nauuso na naman ang mga action movies noong 80’s-90’s. At isa sa pagkakapareho ng mga pelikulang ito, na hindi dapat mawala ay, ang syempre, mga goons. At parepareho lang ang ugali nila, eto ang ilan..

 

Naka-leather jacket kahit tanghaling tapat at nasa loob  ng mainit warehouse – eto ang pinakacommon sa mga goons, sino kayang g*** ang nakaisip nito!? Diba nila naisip na TAO rin ang mga goons at sila’y naiinitan din??  Wag din kalimutan ang shades!

 

Nangkikidnap -  pag di matalo ng boss (kontrabida) ang bida, malamang ipapautos na lang niya sa mga goons na kidnapin ang anak nito, kung walang anak ang bida, magulang nya, kung wala ring magulang, malamang ka-loveteam nya, kung walang leading lady ang bida, malamang wala ring patok na action movie dahil mawawala rin ang mga isang minutong bed scene na aminin na natin,  yun lang ang hinihintay natin sa buong pelikula (hmm, aminin!)

 

Rapist – di rin mawawala ang mga scene sa clubhouse kung saan ang paboritong tambayan ng mga goons, at pag lasing na ang mga goons, pupuntahan nila ang isang babae at pagkatapos ay momolestiyahin, pero mabibitin ang mga manonood dahil di ito matutuloy sapagkat darating na ang bida, at eto ang magliligtas sa babae, na kadalasan ay eto rin ang kanyang magiging leading lady.

 

Yosi Kadiri – mahilig din silang manigarilyo, bawat scene nila meron nakasalpak na Marlboro (ang official yosi ng mga goons!) sa bibig nila. At pag nakaharap nila ang bida itatapon  nila ito sa harap ng bida at dun na maguumpisa ang makulay na suntukan.

 

Maangas – sa titig pa lang, parang gusto na nilang lumapa ng tao. Kadalasan din sila yung may linyang “ano boss, gusto niyo patayin na natin to eh!” pero pipigilan sila ng boss, dahil gusto nya na humaba pa ang pelikula este buhay ng bida. Kaya sa huli makakatakas ang bida dahil sa pagiging pakipot ng boss.

 

Di marunong umasinta – kahit anong klaseng baril ang gamit nila at kahit gaano sila kadami, hindi at HINDI nila kayang tamaan ang bida. Kung tinamaan man, kadalasan daplis lang to. At sa huli sila ang raratratin ng bida.

 

Walang dalang stock ng bala – sa una, raratin nya ang bida na parang wala nang bukas, pero dahil nga di sila marunong umasinta, di nila tatamaan ang bida, at pag oras na ng bida para bumaril, biglang mauubusan ng bala ang mga goons at yun ang ikakasawi nya.

 

Hindi synchronized – isa rin tong common. Pag walang baril na hawak ang bida at goons, mauuwi na lang to sa combat fighting. At syempre para mapanatiling ligtas at buhay ang bida, hindi sabay-sabay na susugod ang mga goons. Kaya mas mapapadali sa bida ang banat.

 

Masamang damo/ siyam ang buhay – pero kahit pagbigyan nila ang bida, hindi pa rin sila dapat mawala sa pelikula, kung may mawawala man, may mapapalit kaagad ang boss. Siguro tumatawag ito sa “Goons Agency”?

Kabute – meron ding scene kung saan cocornerin nila ang bida at ang leading lady habang sila ay nagdedate. Pero para maging mabisa ang plano, kailangan manggagaling sila sa kung saang-saang lugar. Yung iba sa likod ng puno, sa sasakyan, sa simbahan, at kung saan-saan. Pero tulad ng dati natatalo pa rin sila ng bida dahil nga hindi sila synchronized.

 BONUS… (kadalasang linya ng mga goons)

“boss anong gusto niyong gawin namin dito?”

“aba ang yabang nito ah!”

“sumapi ka na kasi kay boss!”

“arrrrrghhhhhhhh” – (habang bumabaril)

“wahahahaha”- (habang bumabaril o nangrerape)

“boss, nahuli na naming yung (pangalan ng bida), anong gusto nyong gawin namin?”

“boss, nakawala!”

“ay ******, bat mo pinakawalan” (sabi ng isang goons sa kapwa nya goons, pero sa totoo pareho silang nakatulog kaya nakatakas ang bida)

“miss, ang sexy mo naman!” (pagkatapos sabihin yan, automatic na tatawa ang ibang goons)

 

(kung may naisip pa kayong ibang ugali at linya ng mga goons na di nabanggit, i-comment nyo lang at ilalagay natin dito)




Monday, March 15, 2010

Bayang Magiliw!

Lumaban na naman si Pacquiao (tama ba spelling?), laban kay Akon este kay Clottey. Nanalo na naman si Pacman. Pero ang pambansang awit natin, eh mukhang knockout! Na naman!

Aba, rockstar ang kumanta ngayon! Nung huli, CONCERT KING! Marami na silang kumakanta ng Bayang Magiliw. Pero isa lang ang kinalalabasan…. “(singer) pinagpapaliwanag ng National Historical Institute, dahil sa maling pagkanta ng Bayang Magiliw!”. Pero bakit di sila nagtatanda, alam na nilang mali pala yung mabagal na tono eh. Pero dapat sa susunod na laban ni Pacman (kung meron pa), patugtugin na lang nila sa TAPE yung Bayang Magiliw, tama na sa beat, di pa nabirit na parang sumali sa kung anong contest. Diba? Eh di wala pang problema!

Ba’t naman yung ibang national anthem, di naman nila tinataasan pagdating sa huling line. Pero malamang yun yung isang dahilan kung bakit sila natatalo. Tsaka malamang trademark na natin yun sa ibang bansa.

Pero siguro nagtataka na rin ang mga ibang lahi dahil sa paiba-ibang version ng Bayang Magiliw. Siguro isip nila “nakakatuwa naman ang Pilipinas, pati Pambansang awit iba’t-iba ang style!”. Pero siguro mas ok na yung mabagal na tono kesa naman sa “Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta, Ang mamatay ng dahil sa iyo.”

Pero sa simula pa lang, bakit na natin kakantahin ng tama sa tono (at lyrics) ang Bayang Magiliw eh mismong pangalan pa lang eh di na natin masabi ng tama????




Monday, February 1, 2010

“Sana Umabot man lang ng Kahit 15 minutes!”

As of February 1, 2010, may 12,491 visitors na ang aking blog. Pero di yun kagulat-gulat dahil sa 12,941 visitors na yun eh kasama din ako dun, syempre pag viniew ko yung blogsite sinasama yun ng counter.

#108 sa ranking ng www.topblogs.com.ph , wow 108! Mataas na yan! Pero minsan di rin reliable ang ang nasabing website, ewan, siguro kasi yung bumisita lang sa araw na yun ang pinagbabasehan nila. Kaya bukas babalik din ‘to sa ranking kong #124!

Pero di maiwasan, marami na rin ang nakakakilala sa blogsite ko, merong naiinis o matutuwa, pero kadalasan yung una ang nangyayari (kailangan pa-humble din tayo paminsan-minsan!).

Pero sabi ko nga, marami nang nakakakilala sa blogsite ko, tulad na lang ni ATE GEE CORTEZ aka dan~gee~rous. Ate! Salamat po sa pagtangkilik!

At eto pa isa, kanina ko lang nabasa. Comment ni ANONYMOUS, diba pati si Anonymous, ang writer na may pinakamaraming nasulat na tula at kwento nagcocomment sa’kin? (oo, alam ko, corny joke ko!) at eto ang kanyang sinabi. “galing ng observations mo sa teachers...hha..tnx pala..nagamit ko sa article ko para sa filipino..” huh? Wtf? Ano ba to? Wow mali? Hehe, pero kung sino mang nagcomment nun, nagpapasalamat ako dahil nakakapagbigay na ko ng inspirasyon sa mga ibang tao. Kasi dati ang lovebirds lang namin ang kaya kong utuin eh.

Ano nga kaya, aabot pa ba ko ng 15 minutes?





Friday, January 15, 2010

Long Vacation!

Ayos! Tagal ko nang absent. Tambay lang sa bahay. Tulog. Kain. Computer. Kain. Tulog. Walang problema.

Pero di lang ako sa school absent ngayon, kung mapapansin nyo pati sa pagboblog tagal ko na ring MISSING! Kasi marami pa kong importanteng bagay na dapat tapusin (halimbawa: Plants vs. Zombies). Kaya ganun. Pero heto ulit ako, manggugulo sa buhay mo!

Pero minsan kahit masaya ang matagal na pagkakaabsent, di sinasadya pero nakakamiss din ang pumasok! Yung mga nakakairitang seatmate hanggang sa mga teacher na maqtagal mo nang pinagdadasal sa Sto. NiƱo na sana mawala na pero nandun pa rin. Lahat sila nakakamiss!

Nakakabagot na sa bahay!!! Biruin mo, ilang oras akong nakakulong sa computer chair namin tapos wala namang nangyayari! Pag naman binitiwan ko ang pc, sa kama naman ako, manonood ng mga Home TV Shopping na kung hindi ako nagkakamali eh kathang isip lang ng isang matalinong taong gustong kumita sa pagbebenta ng wala.

Pero ano pa nga ba ang masayang bagay ang pwedeng gawin pag absent? Magwalis? Ayoko nga! Matulog? Boooorrrreeeeng! Tapusin ang mini-games ng Plant vs. Zombie? Hmmm mahirap eh, pero pwede na rin!

Pero siguro naman makakapasok na ko next week. Sana. Para di ko na marinig ang mga ganitong linya sa TV………………..

“BUT WAIT THERE’S MORE!!!!”

(medyo maikli ang comeback blog ko, aba ang hirap kayang mag type habang may hawak kang ICEBAG sa kamay mo!)