Tuesday, December 8, 2009

Border!

Marami na kaming naging “border” sa bahay. Pero hindi tao, kundi mga hayop, oo, pets.

Sa ngayon meron kaming 1 aso, 1 lovebird (oo isa lang, wala syang love) at di mabilang na ipis at daga.

Pangalan ng aso namin si MAGNET, bakit Magnet? Sabi ng iba, dahil daw Science Teacher ang nanay ko, mali yan! Ang totoo eh dahil yan sa isang pangalan ng character sa isang Korenovela! Yung lovebird naman namin eh JUMONG (kung hindi ako nagkakamali) ang pangalan, yung kasama nya dati pangalan eh JANG GEUM. Pero nakakapagtaka dahil sabi nila, pag daw walang kasama ang LOVEBIRD eh asahan mo na ang pagkamatay nito, pero samin parang mas gusto nyang magsolo. EMO?

Pero hindi lang yan ang mga naging pets namin, marami pang iba…

Jack – Aso, Grade 1 ako nung nanirahan sya sa’min, pero di nya natakasan ang malulupit na hampas ng tatay ko dahil sa kung anong dahilan. Kaya yun, kailangan namin syang ibigay sa iba, pero di rin nagtagal kinuha na rin sya ni LORD.

Muning – Pusa (syempre), hindi sya talaga nakatira sa’min, napunta lang sya pag kakain na, tsaka sya rin ang ultimate “daga-buster” sa bahay non, kaya naubos ang population ng daga sa bahay namin dati. Pero gaya nga ng sinabi ko, napunta lang sya dun para kumain at tsaka manganak. San napupunta ang mga kuting? Ayun dinadala sa bukid.

TRIVIA: Ang isa nya pang pangalan eh MING-MING

Jessie at Justin – Lovebird, wala kong kwento sa kanila dahil ang tungkulin ko lang sa kanila ay pakainin sila.

TRIVIA: Di lang sila ang naging lovebirds namin, marami pa. pero di ko alam ang pangalan

Raffy – Aso ulit, eto ang pinakalatest naming pet, pero sya rin ang pinakamabilis na tumira sa’min. Dahil sa sandamakmak na dahilan, kaya sya pinamigay, isa na dito ay may lahi sya! Oo, mas sanay kami sa asong walang breed. Ang epekto ng pagiging may lahi nya ay kailangan nasa loob sya ng bahay, magiingay yan pag nasa labas, tapos pag nasa loob sya, asahan mo ang mga kulay light brown na bagay na parang peanut butter ang itsura na nakakalat sa bahay nyo. Eto pa isang istorya, unang araw nya sa’min, matutulog na sana ko ng nakita ko ang nasabing bagay sa kwarto ko, “te, tumae yung aso dito!!” sobrang bad trip na sigaw ko, isa lang ang nasa isip ko noon, “sira ulo tong aso na to ah, nagbeuna mano pa sa kwarto ko???” kaya ngayon nalaman kong mas may sayad pala ang asong may mga breed.

Siguro tama na sa’min ang 1 aso lang. Tama na yung isa lang ang magtatatahol pag nandyan na ang truck ng basura. Tama na yung isa lang na nangatngat ng mga disconnection notice. At tama na yung isa na nagpapapanghe sa terrace namin….

At tama na yung isa na nananahol sa mga batang nakanta nang…….

“Sa may bahay, maraming bati…”

Merry CHRISTMAS!




Wednesday, November 11, 2009

And the winner is......

nakakuha ng 2 boto.........

at ang nanalo ay ang pangalang "HANGAL!"

sa mga request po ni dan~gee~rous, salamat po! Sana po magkita tayo minsan hehe!


Tuesday, November 10, 2009

10!

November 10. 11-10. Pang-314 araw sa kalendaryo (315 pag leap year). 45 araw bago mag Pasko. At syempre birthday ko!

HAPPY BIRTHDAY TO ME!!!

Ang mga ilan sa KILALANG tao na nagcecelerate din ngayon…..
Rafael Rosell (1982), Pauleen Luna (1988), Arnee Hidalgo (1981) singer yan, kumanta ng “Miss you like crazy” (wag mo nang subukang pakantahin pa sa’kin yan, oo, pareho lang tayo nang iniisip), Winston Churchill (1871), Martin Luther (1483), Calvin Chen (1980) miyembro ng grupong “Fahrenheit”.

At alam nyo ba na ang SESAME STREET ay unang pinalabas noong Novemer 10, 1969?

Wala naman akong masyadong hinahangad sa kaarawan ko. Basta maging 6-digit yung visitors ko dito eh okay na! Tapos pag dumami na sila tsaka yung mga followers kong di ko naman kakilala, maglalagay na ko ng ads sa pader na to, maglalagay na ko ng gusto kong ilagay! Magmimistulang freedom wall ang blog ko! Tapos dadami mga endorsements ko, sardinas, pandecoco, strawberry jam, pampapaitim ng kili-kili at iba pa. Tapos syempre yayaman na ko, tapos magiging ako na ang pinakasikat na blogger tapos susuok naman ako ng bagong career. Kahit ano: singer, dancer o di kaya pumalit kay Ryan Agoncillo sa talentadong Pinoy! At yun na! Pasarap na lang ako sa buhay! Gagawin ko na lang eh tingnan ang mga e-mails ng fans!

Pero eto talaga ang wish ko sa birthday ko……
Sana makakita ako ng Aurora Borealis dito sa Celestine……
Sana makita ko si Stewie Griffin dahil marami akong itatanong sa kanya……..
At syempre sana makita ko rin si Spongebob at Patrick para kahit minsan eh tumalino naman ako……….

At sana manahimik na tong bagong aso samin!!!!!!!!!!!!!

Kahit isa lang dyan magkatotoo eh ayos na ko. Pero pinakamaganda sana kung magkakatotoo yung huli.

Kala ko magiging normal na araw lang ngayon. Normal na araw: paggising, hilamos, inom kape, ligo, kain, sakay tricycle, pasok school, uwi bahay. Ganun!

Pero di ko inaasahan eh may sorpresa pala tong mga
mababait kong kaklase, niregaluhan nila ko ng di ko makakalimutang regalo. ISANG CARD! Card na may message sa loob. Hanep!

Pero hanggang ngayon iniisip ko:ganun ba ko kaespesyal sa mga
mababait kong kaklase para bigyan ng ganun?

Wala naman akong ginawang maganda sa kanila bukod sa pangiistorbo sa buhay nila ah?

Pero siguro meron nga kong nagawang maganda, di ko lang maalala……

¡Feliz cumpleaños! Sa Spanish
生日快乐 - sheng ri kuai le, Sa Chinese
Joyeux anniversaire Sa French
Alles Gute zum Geburtstag! Sa German
Janam Din ki badhai! Sa Indian
Otanjou-bi Omedetou Gozaimasu! Sa Nihongo
Malipayong adlaw nga natawhan! Sa Bisaya


Iba’t-ibang lenggwahe, isa lang ang kahulugan………

HAPPY BIRTHDAY!

Teka may nalimutan ako……

Shajhssdoausdawdbausasdasdu ajsdhuydwjdhjfuioasysh!




Wednesday, October 14, 2009

Away-Bata!

Bago ang lahat, panoorin mo muna ‘to………



Ayos ba?

Bakit nga ba ang hilig manglait nang Pinoy? Pero pag tayo ang inasar, tayo ang pikon?

Kung baga sa “away-bata”, ang mga Pinoy ang unang umiiyak at unang nagsusumbong sa nanay.

Base sa video sa taas, nagbanggit dyan nang mga issue na kinapikon ng Pinoy.

Una yung kay Claire Danes, oops! Di ko pala sya kilala

Yung kay Teri Hatcher na lang. Eto yung video……



At eto naman ang kay Alec Baldwin…….



At eto naman ang sa Harry & Paul……



Ano di mo na ba makaya???? Teka meron pa yan, merong bagong kumakalat na picture sa internet (galing sa Twitter) comment ng isang Koreana (uglyyubin) tungkol sa Bagyong Ondoy.



At syempre, sinong makakalimot kay Chip Tsao. At sa kanyang pagdedescribe sa Pilipinas bilang “House of Servants”

Habang mainit ang isyu na yan, nagkaroon ng survey sa TV at tinanong ang mga Pinoy kung ano ang reaksyon nila dito. Syempre as expected, nagalit ang mga Pinoy. Meron pa ngang nagsabi na ang Hongkong daw ay “House of pirated dvds”. House of pirated dvds? Eh anong tawag mo rito?



Pero bakit ganun????? Masyado nating sineryoso ang mga “jokes” na ‘to. Na umaabot na sa paglalagay sa Blacklist ng mga pangalan nila.

Sabi din sa video sa taas, wala rin daw kasing racist ang mga pinoy….

“Bumbay” kung tawagin natin ang mga taga-India. “Bumbay” – galing sa salitang Bombai, isang lugar sa India (ngayon ay Mumbai na). Di ko alam kung bakit naging yun ang tawag natin sa kanila. Isa pang bentang “asar” natin sa kanila ay ang “5-6”, o di kaya “payong” o di kaya “umutang ka sa bumbay!” pag kailangan mo nang pera.

O di kaya kung di Johnson’s ang amoy eh aasarin ka nang “Ang bumbay nang amoy mo!”.

At ginagamit na rin ang “Indian” pag hindi ka makakadating sa tamang oras o absent.

Ex: (Bleep) yun ah! Inindian ako!

Pero may bago nang asar sa mga Indian – “Jai Ho!”

Pati mga Chinese eh di nakaligtas. Di natin maiwasan tawagin silang “Intsik”, “Chekwa”. Pero mas malala yung “Intsik Beho, Tulo Laway” kung ano man ang ibig sabihin nyan eh di ko na alam.

Meron pa! Mga black Americans. Kadalasan asar natin sa kanila ay “Egoy”, “Nognog” o di kaya – “Negneg”.

Hapon. Sila naman ang mga “sakang”. Di ako sang-ayon sa pagtawag sa kanila nang sakang. Di lahat nang Hapon eh sakang. Halimbawa etong babae sa litrato, pakisabi nga sa’kin kung sakang to?



Kitams? Kaya siguro maraming nagugutom sa Pilipinas ay dahil sa maikli ang pasensya natin? Kaya siguro amoy t@3 sa palengke ng Cabuyao ay dahil pikon tayo? O baka naman kaya ang pagbigkas natin sa “Judge” ay “Jads” at “Fourth Year” ay “Porchir” ay dahil sensitive tayo? At kaya ba hanggang tarpaulin na lang ang katagang “RAMDAM ANG KAUNLARAN” ay dahil balat-sibuyas tayo? Ang daming tanong. Ang daming posibilidad. Ang daming walang kasagutan.

Titigil na ko. Kasi di naman ako si Lourd de Veyra para kontrahin sila diba?

Acknowledgement……….

Salamat sa YouTube sa mga pinagkuhanan ng video. Salamat din sa Google para sa mga litrato. At salamat kay ateng nasa litrato dahil pumayag syang ipaskil ko ang mukha nya sa pader na ‘to.

Sabi nga…….

MAS MASARAP ASARIN ANG PIKON!!!!

Pagkatapos nitong mga ‘to, ano kaya susunod?

Ah basta ako, eto na lang ang iisipin ko…………..

Friday, October 9, 2009

Bagong Pangalan!

Tulungan nyo naman akong pumili nang bagong pangalan sa blogsite ko........

Ang gago kasi may nauna na pala sa pangalang "Blog ang Mundo"......

Gumawa na ko nang poll sa gilid......

Pero kung wala kang magustuhan, i comment mo na lang.....

Wednesday, August 26, 2009

Tribya 1

Eto na naman ako para ibigay ang mga never-before-known trivias tungkol sa’king blogs.

Sanhi siguro ng kakapalan ng mukha, kaya ko naisipang gawan ng trivia ang aking blogs, pero kung di ka interasado, maghintay ka na lang ulit ng isang linggo.

GAME!

Sa MS Word muna nya tinatype ang mga gawa nya, bago sa blogsite.

Mahigit isang linggo nya ginagawa ang blogs nya (kaya mahaba). Pero ang mga blogs nyang: “Sanadaling Kaligayahan”, “Numero Uno”, “Tula para kay Dominic”, “Congrats”, “Laos na nga ba???” at "Video Review" ay oras lang ginawa.

Ang “Congrats!!” at “Laos na nga ba??? (featuring the ants)” ay ang tanging blogs nyang ginawa sa computer shop.

Ang original na title dapat ng “Laos na nga ba??? (featuring the ants)” ay “Friendster: Nagsisimula na nga bang matapakan ng Facebook at Twitter” pero pinabago ito ng Editor nya dahil mahaba.

Ang editor nya ay ang sarili nya.

Ang blog nyang “Tips pag bored ka na sa klase” ay ang pinakamahaba nyang blog, meron itong mahigit 2,160 word, di pa kasali ang title. Samantalang ang “Congrats” ay ang pinakamaikli.

Ang idea nang “Tips pag bored ka na sa klase” ay galing sa isang video sa Youtube (clue: hindi video ni Shane Dawson).

Hanggang ngayon ay di nya pa alam ang pangalan ni “kuya fishball”.

Ang “Sayawan Time” ay ang blog nyang may pinakamaraming negative comments. Corny daw.

Samantalang ang “Video Review (entitled “panama”)” ay ang pinakakontrabersyal.

Ang idea nang “Kung Ako Kay Dominic” ay galing ulit sa isang video sa Youtube.

Ang linyang “Ang cute ni Jun Pyo kagabi” ay lumabas na sa dalawa nyang blogs: ang “Tips pag bored ka na sa klase” at ang “Mr.Dom vs. Tom 1”. Pero dalawa yung word na “cute” dun sa una.

Ang pangalang Tom ay nakuha nya sa nagboses Kay Spongebob, si Tom Kenny, dahil paborito nyang cartoon si SB.

At ang Dom naman ay hanggang ngayon ay sikreto.

Dapat may isa pang blog na maipopost kasama nang “Sayawan Time” pero hindi na ito naipost.

Mahigit 3-5 ang naiisip nyang blogs sa isang linggo, pero 2-3 lang ang naitatype sa MS Word, at 1 lang ang naipopost. (napakalupit na elimination!)

Ang ilan sa mga “unfinished blogs” nya ay ang:

“Ano ang pagkakapareho nang mga Emos, Chain Messages at mga kanta ni Miss Ganda?” - tungkol sa mga kinaiinisan sa buhay

“Pambansang blog” – tungkol sa mga pambansang simbolo (with a twist). Eto ang nawawalang kakambal ng “Sayawan Time”

“Walang Dalang Saging yan!” – tungkol sa Adventures nya kasama ang dalawa pang kaklase.

“Steal Shot” – tungkol sa picture taking

“Usapang Laruan” – tungkol sa kabataan nya, malapit na tong matapos pero di pa rin umabot.

“Garapal Gals” – tungkol sa grupong kontrabida pero sila ang main characters. Title pa lang ang naitatype dito.

“Ang Aking mga Natutunan” – tungkol sa mga natutunan nya sa loob ng 13 taon.

Eto naman ang mga blogs na hindi na naitype sa MS Word dahil sa isip pa lang, naharangan na:

“Horror Movies” – tungkol sa horror movie ng Pinoy
“Jinx” – tungkol sa batang ang tanging pastime ay ang malasin.
“Eksena sa Loob ng Jeepney” – mga uri ng pasahero

Ang pinakauna nyang “blog” (kung di sya nagkakamali) eh pinamagatang “Ang Nakaraang Nutrisyon Day”, sinulat nya noong Grade 4 (o Grade 3).

May isa pa dapat na tip sa “Tips pag bored ka na sa klase”, pero sa kasamaang palad ay di na ito umabot. O.A. na daw masyado eh.

Sa sobrang adik nya kay BO, nagawa nya na itong salungatin, ang blog nyang “Mga Uri ng G.U.R.O.” ang isang halimbawa nito, kung si BO may “uri ng estudyante”, sya merong guro.

Dapat ay isang bulletin lang sa FS ang “Congrats”, pero naisip nyang madali itong matakpan pag bulletin, kaya naisipang nyang gumawa ng blog sa FS, kaya kung di nya naisip to noon, walang nagpapagulo sa buhay nya ngayon.

Mahigit 86% ng “Mr.Dom vs. Tom 1” ay true story.

Nung una, di nya napansin na magkarhyme pala ang pangalan ng dalawang main characters sa “Mr.Dom vs. Tom 1” (Dom at Tom), napansin nya na lamang ito 1 oras na ang nakaraan.

Halos lahat ng title ng blogs nya eh may exclamation point o question mark. (“Congrats!!”, “My Favorite Teacher!!!”, “Laos na nga ba??”, “Sandaling Kaligayahan!!”, “Tips pag bored ka na sa klase!”, “Fishball o Proven!”, “Numero Uno!”, “Pamahiin = Kwentong Barebero?”, “Video Review!!!!!” (pinakamarami). Whew!”

Ang title version nito sa Blogger.com ay “Fishball o Proven!”, samantalang ang title version nito sa Friendster Blogs ay “Fishball o Proven?!”.

Ang tips # 2,4,5,6,8 at 11 ang mga tips na nagawa nya na. Pag bored sya sa klase.

Hanggang ngayon ay wala pang pangalan ang “babaeng medyo maputi, medyo matangkad at medyo cute”.

At hanggang ngayon ay di pa sya binabayaran ng Skyflakes, Rebisco, Cobra Energy Drink, Alaxan, at HBW.

Wednesday, August 19, 2009

Mr.Dom vs. Tom I (ang simula)

Pinagpapawisan. Mabilis ang hakbang. Patingin-tingin sa relo. Nagmamadali. Yan ang umaga ni Tom. Pero nabago lahat yan nang biglang… “oo nga pala! Huwebes nga pala ngayon” sabi nya sabay tigil sa paglakad. “Science ang unang subject” at nagpatuloy sa paglalakbay ng mabagal.

“uuwi na lang kaya ako” sabi nya pagdating sa school gate. “bahala na nga”. Dahan-dahang naglakad ang binata. Papunta sa room nya.

“eto na po sya” sabi ng kanyang teacher sa klase. “oh late ka na naman, ano bang gagawin ko sayo?” sabi ng magaling nyang teacher.

“pero sir…..”, sasabihin sana nitong first time nyang ma-late sa buong buhay nya pero naunahan na naman sya ng guro.

“tsk tsk, bakit ka ba na late?”

“nagpuyat kasi ako kagabi para gawin ang…..” (muntikan na nyang sabihing walang kwenta). “……… project ko sa inyo” malumanay na sagot ni Tom pero walang paggalang.

“ang project di overnight lang ginagawa, matagal ko nang sinabi yan ah, ba’t di mo pa ginawa dati?”

Nangangalay na si Tom sa kakatayo dahil di pa rin sya pinapasok ng guro. Dahil sa dami ng tanong ng reporter na guro, di na nya nagawang lumaban kaya sa muling pagkakataon ay natalo na naman sya ng magaling nyang guro. “sorry na po, di na po mauulit, di na po ako magloloko sa susunod, pwede nyo na po ba akong papasukin?” pagmamakaawa ni Tom.

“pangako na naman, wala namang nasusunod, sige pasok na”

Walang nagsalita ni isa man sa mga kaklase ni Tom habang sinisermunan sya, at halos naputol ang klase ng 10 minutos dahil sa sermon.

Padabog nyang binaba ang bag sa sobrang bad trip nito pero di na ito pinuna ng “sir” nya.

Ganito sila tuwing umaga at tuwing Martes at Huwebes. Lagi. Giyera. Pero laging ang panig ni Tom ang unang nagtataas ng puting bandila.

“hayaan mo na yang si sir, natanda na kasi kaya ganyan.” Sabi ng katabi nyang babae na medyo maputi, medyo matangkad, at medyo cute.

“hayaan? Matagal ko nang ginagawa yan pero walang nangyayari!” galit nyang sinabi.

“ay sya, wag mong masyadong lakasan ang boses mo baka marinig ka ni sir pahiyain ka na naman nyan” sabi nya sabay tapik sa likod ni Tom. “mawawala rin sya” dagdag nito.

Napatawa na lang ang binata.

“Ok so the kinetic energy is equal to blah, blah, blah” di na nakikinig si Tom sa teacher nya. Ang tanging nakapagpaalis ng bored nya ay ang pagdodrawing ng mga eroplanong nagbabarilan sa likod ng Science notebook nya.

Tumingin sya sa relo nya. 8:45? Tagal pa.
“Tom anong oras na sa relo mo?” tanong ng guro. “kanina ka pa tingin ng tingin sa relo mo ah”

“pero sir………..” nasabi nya na naman ang favorite line nya, gusto nya sanang sabihin na unang beses lang syang tumingin sa relo nya buong klase pero wala na naman.

“gusto mo bang magtime na tayo?”

“oo sana” pabulong nyang sagot, pero ang katabi lang nyang babae na medyo maputi, madyo matangkad at medyo cute ang nakarinig nito.

Matawa-tawa ang babaeng medyo maputi, medyo matangkad at medyo cute.

“ba’t ka natawa?” tanong ng guro

“wala po, masaya lang”

“baka isa ka rin sa mga gusto nang magrecess nang maaga” sabi nya.

Medyo na badtrip ang babaeng medyo maputi, medyo matangkad at medyo cute.

“diba paano hahayaan yang ganyan?” tanong ni Tom

“tama ka nga”

Habang nagdidiscuss ng tungkol sa energy ang guro, biglang nalipat ang usapan sa kabataan nya, na sinundan ng paglilibot nila sa Laguna gamit ang bike, na nasundan pa ng pagkakakagat nya sa aso nung grade 1 pa sya na sinundan ng lalong pagkakabad trip ni Tom sa kanya.

“nagkwento na naman si Kuya Bodjie” bulong nya.

“ititigil ko na nga ang kwento ko at naiinis na kayo sakin eh” sabi ng guro.

“buti naiinitindihan mo kami….” Sabi ng binata sa sarili.


RECESS TIME!!!!!!!!!!!!!!

“oy napanood mo ba yung darna kagabi, grabe! Ang lupit ng effects non” kwentuhan ng mga bata.

“ako na titira ah…” sabi ng batang lalakeng naglalaro ng sipa.

“cute ni Jun Pyo kagabi!” kwentuhan ng mga dalagita

Yan ang recess. Magulo. Maingay.

Pero si Tom, bad trip. Walang kasama. Tahimik.


(itutuloy)


Ano kaya ang mangyayari sa relasyon ng estudyanteng bida at nang kontrabidang teacher?

Sino ang magtatanggol sa kanya? At………..

Totoo bang true story to????

Pero bago mo sagutin ang mga tanong na yan, ay sagutin mo muna ang tanong na to……

MAY PART TWO PA KAYA TO????????

Thursday, July 30, 2009

Mga iba’t-ibang uri ng “G.U.R.O.”

Biruin mo, ang dami palang uri ng species ng mga pinakamamamahal nating teacher. Kala nyo estudyante lang. Eto ang ilan:

THE STRICTS – Mga teacher na sobrang higpit. Kahit kasing galing mo na si Manny Pacquiao sa English eh sisitahin at sisitahin ka pa rin nito. Populasyon ng mga gantong teacher sa School namin: 9 sa bawat 10 teacher.

THE MERCHANTS – mga teacher na maasahan sa oras ng pangangailan, mga material na pangangailangan tulad ng ballpen, papel at iba pang school supplies. Meron ding mga pagkain. Ibig sabihin, sideline nila ang pagtitinda, gustong tapatan ang Canteen. Karaniwan nyang sinasabi ay “oh bumili kayo, may plus 10 sa quiz pag bumili nang di bababa sa lima”, sabay susundan ng “basta wag lang kayong maingay baka marinig ng principal!”. Populasyon: 2 sa bawat 10 teacher.

MEGAPHONE – mga teacher na may built-in megaphone sa lalamunan. Ang lakas magdiscuss ng “PARTS OF SPEECH”. Parang laging puputok ang bulkang Mayon pag nagsalita. Nakakabingi! Sa sobrang lakas nga nito eh magsisisi ka kung bakit nilagyan ka pa ng tenga. Populasyon: 7 sa bawat 20.

ADIK – mga teacher na di ko mawari kung may inaatenang pot session gabi-gabi o napupuyat lang sa kapapanood ng Bandila o Saksi! Ang lalim ng mga mata! Mataas ang dugo! At naaapektuhan pa ang kanyang pagtuturo. Populasyon: 1 sa bawat 10.

STORYTELLERS – mga teacher na inuubos ang 45 minutes sa mga kwento nya. Iba-ibang kwento, merong kwentong pwedeng isali sa banana split. Merong nakakaiyak, nakakapikon, nakakainis, at yung iba eh yung bang mga kwentong hindi pwedeng sabihin sa mga edad 7 pababa. Populasyon: 4 sa bawat 15.

PARI – kung yung “storytellers” inuubos ang oras sa kwento, eto naman inuubos ang oras sa kasesermon sa’yo. Parang pari. Lahat ng mali mo pupunahin at sasabihin sa buong klase. Populasyon: 1 sa bawat 10.

MAGPAPASTOL NG HAYOP (ESTUDYANTE) – ang teacher na nagpapastol ng hayop (estudyante). Sila yung mga namamalo ng estudyante para tumino. Parang talagang nagpapastol ng hayop. Kadalasan walis at ruler ang weapon nila. Pero mga lumang pamamaraan na yan, ang bago ay yung pagpapahubad sa harap ng klase, pagsuntok at aking personal favorite: ang pagpapakain ng tasa ng lapis! Populasyon: 7.5 bawat 20.

DOM – ang teacher na maginoo pero medyo bastos! Habulin ng chicks! Minsan di ko alam kung maiinggit ba ko o masusuka. Populasyon: 1 sa bawat 20

PET LOVERS – mga teacher na may favorite. Kadalasan isa o dalawa lang ang etudyante (sa paningin) nya. Palaging sya lang ang tinatawag sa recitation. Hindi buo ang school pag walang ganitong teacher. At wala ring mga “pet lovers” pag walang mga sipsip na estudyante. Populasyon: 11 sa bawat 10

EL PRESIDENTES – meron itong dalawang uri: UNA. Mga teacher na nagaastang hari sa school, walang sinasantong Principal. Pumapasok kung kailan nya gusto. Populasyon: 1 sa 15. PANGALAWA. Mga teacher na ang boring magturo! Parang laging nagsosona! Nakakaantok! Minsan mas pipiliin ko na lang panoorin yung mga-pelikulang-di-ko-mawari tulad ng mga pelikula ni JOHN LLOYD AT SARAH!!!! Di ko maarok kung malalim ba ang meaning ng istorya o sadya lang talagang… titigil na ko, baka mabawasan na ang populasyon ng visitors dito (pagbigyan nyo ulit ako, isipin nyo na lang na may nagvivisit dito, parang Christmas gift nyo sakin). Basta boring sila magturo! Tapos! Populasyon: 10 sa bawat 10

GLOC 9 – kabaligtaran ng “EL PRESIDENTES”. Kung yon nakakaboring, eto kailangan buhay ang dugo mo kasi para kang pagong na naghahabol sa cheetah, kailangan mabilis. Di ka talaga aantokin! Kasi pag napapikit ka nang konti, patay ka! Kailangan mo nang maglaslas ng pulso sa sobrang hirap! Populasyon: 2 sa bawat 7

NERDS – kala nyo estudyante lang yan noh? Meron ding mga teacher na ganyan. Sila yung mga sabik magturo! Kahit tinigil na ang klase dahil sa kung ano man ang dumating, magtuturo at magtuturo pa rin to. Kahit isang araw na lang bago ang Graduation, ituturo nya pa rin ang “PARTS OF CELL”. Populasyon: 8 sa bawat 10

DRAMATIC ACTORS – mga teacher na di ko alam kung tatakbo ba sa 2010 o trip lang talagang mag senti mode! Ang drama! Mahilig syang magkumpara sa panahon nya at sa ngayon, kadalasang bira nya ang “swerte kayo at hi-tech na ngayon, di tulad noon kailangan pang mag obladi-oblada blah blah blah!!!! Ewan! Basta para silang nagawa ng campaign ad ni Mar Roxas. Anak itabi mo! Populasyon: 6.9 sa bawat 15

UNKNOWN SPECIES – mga teacher na di pa alam ang uri! Masyadong misteryoso! Sa ngayon ay pinagaaralan pa ng magagaling na siyentipiko kung sino talaga sila! Populasyon: 1 sa bawat 20

THE ANGELS – ang teacher na kabaliktaran nang lahat ng nabanggit. Populasyon: 0

Gusto ko pa sanang gumawa ng ending pero baka magreklamo na naman ang mata mo sa sobrang sakit kaya di na ko gagawa. Pero gusto ko talagang gumawa kasi ayokong matapos ang kwentuhan ng walang ending, para kang kumain non ng pizza pero di mo kinain yung crust! Pero para sa ikabubuti ng mambabasa ko (meron ba?) eh di ko na gagawan. Kaya may utang ka nang loob sakin. Pero di na kita sisingilin kasi makita lang kitang nakangiti habang binabasa ang gawa ko, eh ayos na sakin! Pero kung di ka nasiyahan, magcomment ka, pwede kahit wala kang account! Tapos isang magaling na pangyayari ang naganap dahil habang binabasa mo to eh di mo napapansing nakagawa na ko ng ending. Kaya yan. Natuwa ka ba?

Saturday, July 25, 2009

Video Review!!!!!!!!!!

due to insistent public demand, tinatanggal ko na po ito! sorry for the inconvinient!

Tuesday, July 21, 2009

Pamahiin = Kwentong Barbero?

Bakit sila nagkalat? Kasal, lamay, birthday, pasko, bagong taon at iba pa. Bakit sila pinaniniwalaan at ginagawang basehan? Bakit?
Ano nga kaya, PAMAHIIN = KALOKOHAN? O PAMAHIIN = KATOTOHANAN? Eto ang ilan sa mga pamahiing Pinoy (galing sa http://hagonoy-bahay-kubo.blogspot.com/2008/03/filipino-superstitions.html at sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Folk_Beliefs/mga_iba_pang_pamahiin.htm (wow resourceful na!) at yung iba, nakastuck lang sa utak ko).

Wag kakanta habang nagluluto, D.O.M. ang mapapangasawa mo.
– nasa sayo yan, D.O.M. nga, rich kid naman! Pero yun nga lang para kang may kasamang Iguana sa bahay! Pero kung mautak ka, wag pumatol sa D.O.M.! Tsaka hindi rin naman siguro totoo to kasi malalaman mo naman yun kung matandang huknobang amoy lupa na yung nanliligaw sayo eh. Kahit magpabatak pa yan ng 67 times ng mukha halata pa rin sya.
Pag sinisinok, nagnakaw daw sya ng itlog sa kapitbahay. - ahh eto malupit! Madali nang malalaman kung sino ang salarin. Sana meron ding ganito sa mga nagnakaw ng cellphone o ng wallet. Pero kung totoo man to, e madali na ring mag-astang inosente kasi kung sinok lang ang pagbabasehan, e di lagyan mo nang sinulid yung noo mo para mawala ang sinok mo.
Kapag nangangati ang ilong mo, may humahalik sa litrato mo. – ang galing ng mga nag-isip ng mga pamahiin ah! Very creative! Pati ba naman pangangati ng ilong, may ibig sabihin! Eto siguro totoo to kasi laging nangangati ilong ko eh.
Wag magwalis pag gabi. – dalawa ang alam kong version nito eh. Yung isa baka daw kasi mapuwing ang Virgin Mary, kasi sa gabi sya naglalakad. Yung isa naman kasi daw nung unang panahon (bibihira pa lang ang may PSP) eh walang ilaw kaya pag daw nagwawalis sila pag gabi, nawawalis nila yung ari-arian nila.
Pag napanaginipan mong mamamatay o namatay ka, kagatin ang katawan na puno para lumipat dun ang malas. – yuck! Bakit sa puno pa? baka kasuhan ka pa ng DENR pag ginawa mo yun. Pwede bang sa ulam na lang?
Sa halip na unan, libro ang gamitin, pampatalino. – sinubukan ko ‘to, isang beses! Kaso bad trip. Di ako makatulog! Baka salungat ang ibig sabihin nito kasi imbes na tumalino ka lalo kang pupurol kasi puyat ka! Diba?
Magsabit ng bawang sa bahay para walng mumu. - wala ngang multo, amoy bangkay naman bahay mo.
Wag huhugasan ang lalagyan ng pagkain na binigay sayo ng kapitbahay, baka hindi ka na nya dalhan ng pagkain. – ang balahura naman non. Ibabalik mo sa kapitbahay yung plato na kulang na lang eh lipatan ng mga langaw sa sobrang dumi. Mahiya ka naman!
Wag maninilip! Magkakaroon ng kuliti. – bentang asaran to samin! Pero di pa ko nagkakaganyan eh. Tsaka yung isa kong kaklaseng BABAE lang ang alam kong nagkaganyan samin. Nakapagtataka.
Mga suhi lang ang nakapagpapagaling ng tinik sa lalamunan. - madaya ‘to! Ano suhi lang ang anak ng Diyos pagdating sa hilutan? Unfair yan.
Bawal maligo pag may (mens), tataas ang blood pressure. – huh? Bawal maligo? Buti na lang di ako babae.
Hindi magandang pakasalan ang mga may nunal sa mukha na nadadaanan ng luha. - tsk! Tsk! Tsk! Kawawa naman yun. Wala ba silang karapatang magkaroon ng asawa at lumigaya sa buhay!
Bawal maligo pag may patay. – ang masangsang na amoy ang dahilan sa maganda at matiwasay na pagbiyahe ng kaluluwa sa langit.
Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, o balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay. – hindi ako mahilig magsuklay pero kung totoo man ‘to, hindi na talaga ko magsusuklay sa gabi. Ayokong makalbo! Magiging kamukha ko si Barney! Tapos pag daw di napigilan, kagatin ang suklay? Teka baka mali lang ako ng basa. Tama nga! Yuck! Ang lagkit nun. Parang Saudi Arabia! Tapos may kung ano pang hayop ang nandun!
Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende. – damit lang ba problema ng mga dwende? Ang babaw nila! Ang daming dapat problemahin damit pa! Tsaka bakit naman pagiinteresan ng mga dwende damit natin eh ang sikip non sa kanila!

At aking favorite……

Huwag maliligo sa araw ng Biyernes, huwag maliligo sa hapon, sa gabi, sa unang Biyernes ng buwan, sa araw ng Biyernes Santo, sa Araw ng Bagong Taon, sa araw ng piyesta ni San Lazaro, sa ika-labing tatlong araw ng buwan, kapag ikaw ay gutom, matapos kumain, bago magsugal, pagkatapos magsimba, kapag may bahag-hari, sa kabilugan ng buwan. – eh @!#% naman eh! Wag ka na lang kayang maligo tip ko lang para wala nang away. Tsaka bakit bawal maligo pagsimba? Pano pag kasing layo pa nang Jupiter yung pinakamalapit na simbahan?

Tuesday, July 14, 2009

Sayawan Time (kambal na blog)

Naku patay! Darating na naman ang pangalawa sa pinakaayaw kong okasyon sa School (sunod sa Literary Contest). Ang Acquaintance Party!!!

Pero kung inaakala mong natatakot ako dahil hindi ako marunong sumayaw, nagkakamali ka! Ang galing ko kayang sumayaw! Ang pinoproblema ko ay yung isusuot ko! Pero joke lang yan kasi ang totoo PAREHONG KANAN ANG PAA KO!

Bakit kaya ako biniyayaan (wow ang lalim) ng parehong kanang paa? Siguro dahil maganda ang pagkokondisyon sa lalamunan ko kaya pagdating sa paa wala nang natira! “You can’t have the best of both worlds” sabi ni ate na nanenok nya lang din sa iba. Tama yun! Kasi magaling akong kumanta (yung bang sa sobrang ganda eh napiyok na) pero di ako marunong sumayaw! Bad trip!
(Please pagbigyan nyo na ko ngayon! Kumbinsihin nyo na ang sarili nyo na magaling akong kumanta. Ngayon lang naman eh. Parang advance birthday gift nyo na sakin)

Pero mas ok na rin ang pagkanta kasi sasauluhin mo lang yung lyrics, ayos na! sa pagsayaw, magpapagod ka araw-araw! Tsaka pag nalimutan mo yung lyrics sa kanta, ok lang. Pero pag sayaw (teka lang parang mali ako). Ahhh basta mas gusto ko ang pagkanta keysa pagsayaw. At kaya kong patunayan yan kung nagana lang ang utak ko ngayon. (Boses ni Kuya Kim: “Konting kaalaman: alam mo ba na minsan lang nagana ang utak ni Jepoy? Mas bihira pa sa Blue Moon at sa pagbagsak ng Asteroid sa mundo! Kaya swerte mo pag naabutan mong nagana ang utak nya! Meron pa ngang tribo na nagaalay pa ng dasal at sayaw para lang gumana ang utak nya. Kaya laging tandaan ang buhay ay weather-weather lang!”)

Balik tayo sa Acquiantance…..
Sa tingin mo, ano ang theme ngayong taon ng nasabing okasyon? Hula! Hula! Clue: tao sya! nagkaroon ng chismis na sya ay bading. Hmmmmmmm… Piolo Pascual? Oops sorry hindi. Try again. Sam Milby? Hindi pa rin. Isa pang clue: kamukha nya si McDonalds! Hmmmmmm. Siret! Ang sagot: Michael Jackson!
Patay! MJ pa ang theme! Lalo tuloy akong magmumukang t@# nito! Tsk. Tsk. Tsk. Ang lakas talagang mang-trip ng tadhana!
Moonwalk. Pangatlo sa pinakasikat na dance step sa mundo (sunod sa taktak at otso-otso). Pero wag ka munang magtatatalon sa tuwa dahil pauso ko lang yan. Moonwalk. Dance step na pinasikat ni MJ. Moonwalk. Hanggang ngayon ay di ko sya magawa! Moonwalk. Malamang isasali yan sa sayaw namin at sa iba pang levels! Gagawa lang ng dance step yung mahirap pa! Pero ok na rin yun kasi kung walang Moonwalk. (1) walang Moonwalk, Paranaque (2) hindi sikat si MJ at kung di sikat ni MJ baka maulit na naman yung mga gasgas na themes ng Acquintance tulad ng cowboy, o 60’s, o 50’s at iba pa. diba maiba naman. Pinagtataka ko lang bakit kung kailan patay na yung tao tsaka sya nabigyan ng importansya at pagmamahal. Pero nung habang buhay pa sya malamang bukambibig mo ay “NAKAKAINIS KANG BAKLA KA! PATI BATA PINAPATULAN MO! MAMATAY KA NA SANA!! BUTI NA LANG DI KA NA SIKAT!” diba? Kulang na lang pumunta ka sa mansyon nyang mas malaki lang ng isang kwarto kesa sa bahay namin at tadtarin sya ng saksak! Nung buhay pa siya. Ngayon “BAKIT UNANG KINUKUHA ANG MABABAIT!”. Kaya kung gusto mong sumikat, ang one and only requirement mo ay pumunta sa langit.

Balik ulit sa acquaintance….
Ang isa ko pang pinoproblema ay ang costume. Saan kaya ko maghahagilap ng makintab na jacket (o pula), puting gloves, itim na sombrero, at bitin na pantalon! Bad trip talaga. Kung may alam nga kayo ipaalam nyo sakin. Ang gusto ko lang naman eh yung hindi makati, hindi mainit at hindi kulay dilaw! Baka kasi magmuka akong mais nun eh. Ahhh alam ko na! nagkalat nga pala ang mga ukay-ukay dyan. Bakit ka nga naman bibili pa sa mall ng malaginto sa mahal na costume eh ilang oras mo lang naman gagamitin. Pero kung tatay mo naman si Henry Sy eh sige lang bili lang ng bili! Basta ingat ka lang sa mga demonyo sa tabi-tabi.
Ang isa ko pang pinoproblema (parang lahat problema ko) ay ang practice. Wala pa naman akong balak mag diet, pero parang ganun na nga ang nangyayari. Wala naman akong balak mag sundalo, pero parang yun na nga ang nangyayari. Hindi naman ako pumatay ng tao, pero parang ganun na nga ang nangyayari. Kainis! Kahit anong tama ng bilang ng choreo namin di pa rin ako makasabay. Oo nga pala bakit kaya ganun ang counting samin “one and two, three and four, five and six, se, ven, eight” kaya imbes na walong counting lang, nagiging dose!

Bahala na nga sa July 31! Basta kung ano man ang mangyari di ko kikitilin ang buhay ko! Tsaka di naman ako nag-iisa eh.

Gusto nyo bang malaman kung anong mangyayari sa July 31? Mag donate lang kayo ng 300 pesos! Kumpleto na yun tsaka detalyado! Gusto mo ikwento ko pa na parang yung kay Kuya Bodjie eh! With matching puppet.

Wednesday, July 8, 2009

Fishball o Proven!

Napapadalas ang kain ko nang fishball nitong mga nakaraang araw. Pero laging pumapasok sa isip ko ang tanong na “Madumi ba ang fishball?”. Pero bakit ganun sa tuwing naaalala ko tong katanungan na to, eh stick na lang ang hawak ko na may bakas pa ng natirang sauce.
Ewan ko ba kung bakit pero mahirap tanggihan ang fishball. Pag sa tuwing nadating na si “kuya fishball (yun ang tawag namin sa kanya)”, eh di ko na maiwasang dumukot sa wallet ko ng pera. O baka naman masyado lang akong tinatablan ng paawa effect nyang mukha. Siguro nga.
Pero akala nyo ba na sa fishball lang matutuon ang usapan natin? Pwes nagkakamali kayo dahil halos lahat ng street foods sa Pinas eh bibigyan ko ng kwento at reaksyon.
Fishball. Tulad nga ng sabi ko, mahirap talagang tanggihan ang street food na to. Kaya kung irerate ko to, bibigyan ko sya ng 8!
Squidball. Hmmmmm di ako boto sa squidball eh, di ako nasasarapan. Kaya 5 lang sya para sakin.
Kikiam. Parng squidball lang din pero mas pipiliin ko na to kaya 6 sya sakin.
Kwek-kwek. Masarap din sya. Gawa sa itlog ng pugo na binalutan ng harina at orange na food color. 8 ang rating ko sa kanya. Bakit kaya orange lang ang kulay nito? Bakit bawal ibang kulay? Bakit ang kwek-kwek sa Maynila orange din? Bakit hindi pink?
Hotdog. Pwede na rin, kaya 7 bibigay ko sa kanya.
Sa sawsawan naman nitong mga to. Mas gusto kong mas maanghang. Pero totoo bang nakakapagpaalmoranas ang maaanghang? Siguro sa tingin ko hindi naman kasi maayos naman ang pagdaloy ng --- ko, hindi naman parang rush hour sa hapon ang pag--- ko, hindi naman ako nahihirapan kahit mahilig ako sa maanghang. Yucks!
Barbeque. Isa pang paborito. 8 din ang bibigay ko. Hindi ko na ipapaliwanag kung ano ang barbeque, kasi malamang naman alam mo na to. Tsaka baka nga alam mo history nito at kung sino ang nagpangalan nito at kung bakit ito nakatusok sa stick eh. Ako kasi hindi.
Isaw. Isa sa pinakamadumi sa mga madudumi! Gawa sa bituka ng manok (pero mas gusto ko yung bituka ng baboy) Kahit mapait to, paborito ko to. Eto nga lang yata ang mapait na gusto ko eh! Kaya 9 ang ibibigay ko!
Dugo o Betamax. Hindi talaga ako nakain nito, pero dahil sa isang kaklase, nagbago ang buhay ko. Dahil tinuruan nya kong kumain nito, at ang aking unang reaksyon ay Wow! Grabe! Sarap pala nito no! Kung iniisip mong nasarapan ako sa dugo, nagkakamali ka. Dahil libre nya lang yun sakin kaya pinilit ko na lang syang gustuhin! Nakakahiya naman! Diba? Pero 7 pa rin ang ibibigay ko sa kanya.
Paa ng manok o Adidas. Isang beses pa lang akong nakakakain nito eh, ganto pala tong adidas no. Bad trip kainin. Puro buto! Parang si Pepe Smith! Wala nga yata akong nakain eh. Para bang bumili ako ng lollipop na stick lang ang nakuha ko. O baka naman talagang di lang ako marunong. Kasi mag-isa lang ako nung kumain non eh. Pero bibigyan ko pa rin sya ng 5!
Tenga (ng tao) o Earphone. Ulo ng manok o Helmet. Di pa ko nakakakain nyan kaya wala akong rating para dyan.
Popcorn. Kala mo sa sinehan lang yan! Meron na ring naglalako nyan ngayon! Kadalasan sa peryahan to makikita. And it comes in many flavors! May plain, cheese, barbeque, at yung isa hindi ko alam ang flavor pero kulay pula.
French Fries. Dating pang fast food lang, ngayon pang kalye na! Progress? 6 lang ang ibibigay ko sa kanya kasi mas gusto ko ang French fries ng KFC eh.
Cheese sticks. Kung may French fries, may cheese sticks din! Lumpia wrapper na pinambalot sa keso. 7 bibigay ko.
Balot. Ang tagal ko nang di nakakakain nito. Miss ko na to. Yung sabaw nya. Yung pula. Yung sisiw na may balahibo na (nagbibinata). Ayos! 9 ibibigay ko! Tsaka sino naman kayang tatanggi dito eh ang ganda ng boses nung naglalako samin nito! Pwedeng pangradyo! At pwede ring pamalit kay Mike Enriquez! Mas umunlad sana sya kung ganun.
Taho. Masarap na pang-agahan to! Healthy pa! pero pinagtataka ko lang kung bakit nagpapakahirap yung mga magtataho na buhatin yung paninda nila eh pwede namang gumawa ng wheels! Pero 9 din ang ibibigay ko!
(dirty) Ice cream. Wheels ba kamo? Eto kailangan ng wheels para sa negosyong to. Ang paborito ko namang dirty ice cream eh yung ice cream ni Aling Mameng sa bayan ng Cabuyao. Tabi ng Minute Burger. Pero hindi naandar ice cream cart nya (matanda na kasi), nakasteady lang! 8 ako dito.

Kung may pambara, kailangan din ng panulak!

Sago’t gulaman. Wala kong masabi! Basta 7 ibibigay ko!
( ) Con yelo. Pwedeng mais, saging, pakwan, mangga, atis, alatiris, at kung ano pang maisip mong prutas. Pwede yon! 8 ang ratings!
Juice. Pwedeng buko, pinya, orange at iba pa! 7 din!

Wala na kong maisip!

Balik tayo sa mga pambara…

Eto yung dalawang pinaka kinaaadikan kong street foods..

Calamares. Woohoo! Pusit na binalutan ng harina tapos pinrito! Napakagandang ideya! Ok lang sakin kahit tadtad pa to ng formalin! Kaya ibibigay ko, perfect 10!
Pero kung street foods na lang din ang pag-uusapan, wala nang tatalo sa (drum roll).
.
.
.
.
.
.
.
.
PROVEN! Proven. Ewan ko kung saan sya gawa pero wala na kong pakialam dun basta masarap sya. Kamukha nya yung Hotshots ng KFC (bakit kaya laging KFC?). pero matagal ding naputol ang relasyon namin ng pinakamamahal kong proven. Kasi umalis yung bukod tanging nagtitinda nito samin. Pero ngayon back to business ang mag-asawa kaya isa ko sa mga nagbuena mano! Kaya ang rating, 11!

Sunday, July 5, 2009

Tips pag bored na kayo sa klase!

Isa to sa mga blogs ko sa fs. (hope you like it)

Hmmmmmmm….. tips ba kamo pag bored ka sa klase? Wala kong alam eh.

ikaw ba’y tamad na tamad na sa klase nyo? Sa sobrang boring ba nito eh mas gusto mo na lang mag-lyre band? Pwes tapos na paghihirap mo, dahil eto na….

1. matulog
pinaka classic na tip. Procedure: pumwesto sa likod ng pinakamatangkad nyong kaklase (o pwede na rin sa mga hindi masyadong matalinong kaklase para hindi nagtataas ng kamay, e di hindi ka napapansin) at doon matulog! ZzZzZzZ! (tip: wag kalimutang i-alarm ang cellphone bago gawin to. At tsaka wag iinom ng kape o cobra energy drink sa recess)
(limitasyon: hindi pwedeng gawin pag subject ng math, dahilan: sabi ng matatanda)
2. tsumibog
isa pa tong classic. Procedure: pumwesto ulit sa likod (kahit di na sa pinakamatangkad o pinakabobo) tapos kunin ang skyflakes o rebisco na binili mo sa recess, tapos buksan ang bag, ipasok mo sa bag ang ulo mo at doon kumain! Ummmm sarap! (tip: wag bibilhin ang mga pagkain na madaling madurog halimbawa: stiko. kasi makalat sa bag!)
(limitasyon: bawal sa mga subject na bago ang recess dahilan: alam mo na kung bakit)
3. magpaka-“high”
kung adik ka, malamang ginagawa mo na to kahit di ka bored sa subject nyo. Procedure: ano ba mga pwedeng hithitin? Marijuana, shabu, rugby. Pero alam ko mahal yang mga yan eh pero merong mga alternatibo para dyan sa mga yan. Glue palit sa rugby (pareho naman yang pandikit eh kaya pwede na yan) tawas o asin palit sa shabu (magkamukha naman eh) at dahon ng malunggay palit sa marijuana (oy! Napatunayan na yan ng World Health Organization na pwede raw na pamalit yan! Pero wag ka munang pipitas sa kapitbahay nyo ng malunggay dahil obvious naman na nagsisinungaling ako) (tip: basta wag ka lang papahalata sa teacher nyo na nahithit ka ng dahon ng malunggay ah para iwas office!)
(limitasyon: pwede lang gawin to sa subject ng science. Dahilan: para may palusot ka pag nahuli. Sabihin mo lang pag nahuli ka na nageexperiment ka tungkol sa ka kung anong mangyayari pag nilagyan mo ng asin ang dahon ng malunggay at binabad sa glue. Diba mavevery good ka pa)

“the following scenes are not suitable for very young children, parental guidance is recommended”

4. painitin ang katawan
ohhh lala! Pero pano mo paiinitin ang katawan mo? Procedure: dapat may kaklase kayong ahhhhhh yung bang tipong (di ko masabi) yung malaki at sexy (alam nyo na yun) tingnan mo lang sya ng tingnan! Yun lang iinit na yan bigla! (Tip: Pero kung wala kayong kaklaseng ganun, malas kayo! Maghintay ka na lang ng next school year baka meron na!)
(limitasyon: kahit saang subject pwede! Basta wag ka lang papahalata sa teacher mo at sa sinisilipan mo)

Yan madami na yan hanggang dyan na lang
.
.
.
.
.
.
Joke lang!!! madami pa!!!

5. mag-drawing
Procedure: pwede to kahit ang drawing mo eh parang alien na hindi kumain ng isang linggo pero yun pala eh si superman! Mas ayos nga pag ganun eh! Pero alam mo na ba kung anong idodrawing mo? Superhero? Hindi! paboritong hayop? Hindi rin! alien na hindi kumain ng isang linggo pero yun pala eh si superman? Lalong hindi! Ang idodrawing mo eh yung teacher na sobrang galit na galit ka! Tapos lagyan mo ng dalawang sungay sa magkabilang noo, tapos lagyan ng buntot, tapos lagyan ng malaking tinidor sa kamay, at ang huli, kulayan ng pula kung may krayola kang dala! Voila! May demonyo ka nang teacher! May artmowrk ka pa! (tip: good luck sa pagguhit! Aba malay mo madiscover yang work of art mo, baka malagay pa yan sa Smithsonian Museum!)
(limitasyon: wala! Dahilan: wala! Wala kong maisip!)
6. maglaro
hehe pag bored na bored ka na! maglaro ka! Pero anong laro? Eto ang ilan:

chess sa papel - materyales: lapis para nabubura yung mga piyesa! Tsaka papel. Procedure: chess lang! parusa sa matatalo: pitik sa ilong (yun lang ang pwede!)
SOS – materyales: lapis o ballpen o pentel pen o sariling dugo o kahit ano basta nakakasulat! Papel o pader! Procedure: parang tic-tac-toe pero SOS bubuin nyo. parusa sa matatalo: ang mukha ng natalo ang gagamitin na sulatan sa susunod na laban!
(larong di ko alam kung ano ang tawag) - turo lang to ng isang kaklase na itago na lang natin sa pangalang Christian. Materyales: papel ulit tsaka panulat (HBW lang na ballpen ang pwedeng gamitin) Procedure: butas-butasin ang papel. Dapat marami! Tapos ilagay ang (ang hirap i-explain) ballpen sa ilalim at padaanin ito sa papel, dapat hindi mahulog sa butas ang ballpen!
(para sa mga di naka-get, punta kayo sa bahay namin para sa libreng tutorial. Pero dapat magdala ng merienda) parusa sa matatalo: hmmmm wala kong maisip eh patayin nyo na lang ang matatalo!
Origami – materyales: papel, gunting (kung kinakailangan). Procedure: tupi-tupiin ang papel! Pwedeng gawing eroplano, bangka, puppet, kahon, bahay ni Bill Gates, DNA, unggoy, action figure ni Zorro at iba pa! (kung gusto mong matutunan kung pano yan ginagawa, punta ka sa bahay namin, 1,500 pesos isang turo!) parusa sa matatalo: di naman toh labanan eh duh!
(isa pang laro na di ko alam ang tawag) - turo naman to ng isang kaibigan na itago na lang natin sa pangalang Renier. Materyales: kamay! Procedure: una, nakaturo muna ang hintuturo nyo, magkabila, hintuturo lang, bawal hinlalato kasi di na pambata yun eh. Tapos tatapikin mo yung isang daliri ng kalaban mo, na gusto mong dagdagan. Ay bato-bato-pik muna pala! (ano ba tong nagtuturo na to mali-mali!) bago kayo magsimula bato-bato-pik muna para malaman kung sino ang mauuna. Tapos yun na nga, tapos eh di madadagan na yung kalaban mo kaya nakalabas na pati hinlalato nya. Pag nakalabas na yung lima nyang daliri, tanggal na yun. Matira matibay ang labanan! Kailangan dito ng matinding pag-iisip, lakas ng loob, pagtiyatiyaga, at determinasyon. Parang boxing!
Parusa sa matatalo: ipasasaulo sa loob ng limang minuto at iparerecite ang Mi Ultimo Adios sa wikang French ng nakataas ang kamay!
(isa pang laro na hindi ko alam ulit ang pangalan pero tatawagin ko na lang syang HATIAN NG DALIRI) - oops! Wag kang matakot sa pangalan dahil hindi naman lalagariin ang daliri mo eh, papalakolin lang! turo ulit to ni Renier! Materyales: kamay ulit! Procedure: una, ipagdikit ang pareho mong hinliliit (dapat matigas para mas mahirap!), pareho kayong nakaganung pwesto. Pero yung isa manghahati at yung isa hahatiin! Pag nahati nung isa, yung palasinsingan naman ang ipagdidikit mo! Hanggang sa hinlalaki mo! Pag nahati na lahat, talo ka na! Pero pag di nya nahati ikaw naman. Parusa sa matatalo: wala na. kasi sa laro palang parang pinaparusahan ka na eh.
Mga weird na laro – mga halimbawa: paunahang makaubos ng buto ng manok, patagalang hindi hihinga o kukurap! At iba pa!
Procedure: kayo na magisip kung pano. Parusa sa matatalo: isusumbong sa teacher dahil hindi nakikinig!
(limitasyon: bawal sa PE time. Dahilan: kasi hindi kayo papayagan ng KJ nyong teacher na gawin tong mga to! Ang papalaro nya sa inyo ang yung mga larong mapapainom ka ng Alaxan pagkatapos tulad ng boxing o wrestling. BraBaLiBinTaWan!
Acknowledgement: master bob ong, kinopya ko yung SOS at origami mo galing dun sa libro mong ABNKKBSNPLAKO?! Yun lang naman ang kinuha ko, yung iba ako nag-isip! (ay hindi pala lahat) Ayan ah hindi ko ninakaw idea mo ah. Tsaka gawa ka pa ng magagandang libro, hayaan mo ieendorse ko para sayo! Thank you! Tsaka master, pirmahan nyo naman mga libro ko para mas cool!
7. kumanta
bawal to sayo pag ang kanta mo eh parang nagbibinatang piyok ng piyok, o parang si tarzan pag nagbabaging sya! Tapos para kang presidente na nag SOSONA dahil walang tono! Basta dapat magaling kang kumanta. Yung pang American idol. Ikaw na pumili ng kakantahin mo sa “mini-concert” mo. (tip: wag kakantahin ang mga kanta ng kamikazee)
(limitasyon: bawal ulit sa Mapeh at computer dahilan: Bawal sa Mapeh kasi baka arts yung tinuturo ng KSP nyong teacher tapos kanta ka ng kanta makibagay ka naman!. Bawal sa computer kasi baka madiscover ka ng teacher mo, sige ka mahirap ang buhay naming mga artista!)
8. ang pader
ang pader, bow! Madaming nagagawa sa pader: nakakapagpatanggal ng pagkabored, pwedeng sulatan, dikitan ng kung ano-ano, kantahan, at kung medyo may sayad ka na, kausapin mo (wag ka lang papahalata)
(limitasyon: kayo na magisip tamad na ko eh)
9. play dead
eto ang pinakademonyong tip ko. Procedure: magcr ka muna,tapos pagbalik mo, pag paupo ka na, bigla kang humawak sa puso mo at bigla kang mahimatay. Tigil ang klase! Tapos dadalhin ka pa sa malalangit na lugar sa sobrang lamig! Gagawin ka pang hari o reyna nang mga kalase mo! (tip: pag hindi ka pinayagan magcr, bigla ka na lang mag-collapse. Dapat pansin ka ng teacher mo pag mahihimatay ka, dapat sa harap nya)
(limitasyon: pwede to kahit saan Dahilan: ZzZzZzZ!)
10. death threat
kung hindi effective ang #9, eh di teacher mo na lang takutin mo! Procedure: sulat ka sa papel ng death theat mo, dapat nakakatakot, parang ganto. “HOY ITIGIL MO NA NGA ANG BORING MONG PAGTUTURO! DI NA NAKAKATUWA! UMALIS KA NA DITO! SABIHIN MO RIN YAN SA IBANG TEACHER DITO! KUNG HINDI MO GINAWA YAN….”
Bahala ka na magtuloy. Pero pano mo mapapakita sa teacher mo? yun nga ang problema eh. Ahh alam ko na! bigla kong naalala hindi ka na pala nakatira sa panahon ng mga dinosaur, may technology na! text mo na lang sa kanya
(limitsayon: MATH dahilan: katakot yung teacher eh, baka ikaw pa mapahamak)
11. makipagdaldalan
isa pa tong classic na tip! Procedure: maraming pwedeng gawin pag makikipagdaldalan ka. Pwedeng magkwento ng kung ano-ano sa katabi, halimbawa: “AY GRABE ANG CUTE CUTE NI JUN PYO KAGABI GRABE!!!!!” pero dapat wag mo nang isisigaw pag sasabihin mo to. Para maprotektahan ang kagwapuhan ni Jun Pyo. Pwede rin naming maging joker ka “ANO ANG PAGKAKAPAREHO NG POLITIKO AT NG BAMPIRA? SA GABI LANG SILA LUMALABAS! HAHAHA” pero pls. wag mo nang ijojoke yung kay pedro at ana dahil hindi pambata yun. Tsaka dapat ang katabi mo eh yung sobrang babaw. Yun bang sa sobrang babaw eh kahit magpalaki ka lang ng butas ng ilong mahuhulog na sya sa silya nya. Malas mo kung ang katabi mo eh yung kasing bait ni Santino (teka napansin nyo ba na puro Channel 2 sinasabi ko? Hindi kayat napaghahalataan na ko nito?) wag kang mag-alala, mahigit 5% na lang ng klase ang may ganyan. Hmmmmm.. ano pa ba? O di kaya naman demonyohin mo na lang katabi mo para mawala pag ka bored mo “AHH LUMIPAT KA NA SA KADILIMAN, MAS MARAMI KAMI DITO” ganun. Pero bihira na gumagawa nyan kasi nga 5% na lang ng klase ngayon ang kasing bait ni Santino (inuulit ko lang).
(limitasyon: araling panlipunan dahilan: naku patay ka pag nahuli kang nakikipagdaldalan non! Tsk tsk tsk)

kunyari sinabi ko na yung numbers 12-99, tapos kunyari matutuwa ka (pumalakpak ka para mas effective)


100. mag-pray
ang pinakahuling tip. Procedure: pag walang-wala na di mo na talaga kaya. Magdasal ka na. pero anong dasal? Na sana lumindol, masunog ang school, umulan. Oo tama! Umulan, ipagdasal mo na sana tumawag ang PAG-ASA at i-report na signal number 4 sa school nyo at itigil na ang klase! Diba? O di kaya naman gabi pa lang magdasal ka na, tapos hintayin mo yung balita ni kuya kim. Weather weather lang!
(limitasyon: Christian Living lang pwede dahilan: mavevery good ka pag ginawa mo yan sa CL maniwala ka)

Yan ok na siguro yan ang dami na nyan! Tsaka wala na kong maisip!
Pero pag napaoffice ka dahil sa ginawa mo ‘tong mga tips ko, kalimutan mo na pagkatao ko! Dahil pag nadamay ako sa kalokohan mo, tandaan mo, nandito lang ako. Nandito lang ako sa gate! Aabangan kita!

Nananawagan nga pala ko sa mga nagawa ng Skyflakes, Rebisco, Cobra Energy Drink, Alaxan, at HBW ahhhhhhh pwede bang bayaran nyo ko dahil sa free ads ko sa inyo. Ok na sakin ang 2000 pesos!

Gusto ko pang magdagdag pero baka hindi mo na basahin tong huling part sa sobrang sakit ng mata mo! pero gus…..
OY ITIGIL MO YAN SOBRANG HABA NA NYAN ANG SAKIT NA NANG MATA KO!!! OO NA MAGALING KA NA!!!!!
Sorry po sorry po!
Ano kaya ang su……
TAMA NA WALA NANG MAGBABASA NITO SA SOBRANG HABA EH!!!
BAD TRIP NAMAN OH KJ NITO!!!!

THE END!!!

Numero Uno!

Ahem! Ahem! Magandang Umaga (o hapon o gabi) sa inyo!

Medyo kinakabahan ako kasi una ko tong post dito! Pero hindi ito ang pinakauna ko talagang blog kasi meron na kong blog sa Friendster (http://jepamz.blog.friendster.com/).

Naisipan kong gumawa ng blogsite dahil ayokong nasa friendster lang ako. Kasi mga kaklase ko lang ang nakakabasa nito. Sa awa siguro sakin ng mga kaklase ko, kaya sinasabi nilang ok ang mga blogs ko. Ewan ko kung ilang percent don ang totoo. Oh talagang dala lang ng awa sakin. Ewan ko.

Tsaka wala muna kong ikekwento dahil nga una ko tong post, kung baga nagpapakilala pa lang ako. Kaya sana maraming makakabasa ng mga gawa ko at matutuwa rin kayo tulad ng mga “plastic” kong kaklase.

Pero ok lang sakin kahit di kayo matuwa sa mga gawa ko, sasaluduhan ko pa nga kayo pag sinabi nyo ang totoo dahil matututo ako dun sa mga sasabihin nyo. Tsaka ano namang maaasahan mo sa trese anyos na bata? Diba?

Yan ok na yan! Ayoko na ring magtagal kasi masyado ng seryoso ang mga sinasabi ko. Eh pangako ko naman na gagawin kong Humor tong blog ko.

Salamat sa pakikinig! Buti na lang di ka inantok!