Naku patay! Darating na naman ang pangalawa sa pinakaayaw kong okasyon sa School (sunod sa Literary Contest). Ang Acquaintance Party!!!
Pero kung inaakala mong natatakot ako dahil hindi ako marunong sumayaw, nagkakamali ka! Ang galing ko kayang sumayaw! Ang pinoproblema ko ay yung isusuot ko! Pero joke lang yan kasi ang totoo PAREHONG KANAN ANG PAA KO!
Bakit kaya ako biniyayaan (wow ang lalim) ng parehong kanang paa? Siguro dahil maganda ang pagkokondisyon sa lalamunan ko kaya pagdating sa paa wala nang natira! “You can’t have the best of both worlds” sabi ni ate na nanenok nya lang din sa iba. Tama yun! Kasi magaling akong kumanta (yung bang sa sobrang ganda eh napiyok na) pero di ako marunong sumayaw! Bad trip!
(Please pagbigyan nyo na ko ngayon! Kumbinsihin nyo na ang sarili nyo na magaling akong kumanta. Ngayon lang naman eh. Parang advance birthday gift nyo na sakin)
Pero mas ok na rin ang pagkanta kasi sasauluhin mo lang yung lyrics, ayos na! sa pagsayaw, magpapagod ka araw-araw! Tsaka pag nalimutan mo yung lyrics sa kanta, ok lang. Pero pag sayaw (teka lang parang mali ako). Ahhh basta mas gusto ko ang pagkanta keysa pagsayaw. At kaya kong patunayan yan kung nagana lang ang utak ko ngayon. (Boses ni Kuya Kim: “Konting kaalaman: alam mo ba na minsan lang nagana ang utak ni Jepoy? Mas bihira pa sa Blue Moon at sa pagbagsak ng Asteroid sa mundo! Kaya swerte mo pag naabutan mong nagana ang utak nya! Meron pa ngang tribo na nagaalay pa ng dasal at sayaw para lang gumana ang utak nya. Kaya laging tandaan ang buhay ay weather-weather lang!”)
Balik tayo sa Acquiantance…..
Sa tingin mo, ano ang theme ngayong taon ng nasabing okasyon? Hula! Hula! Clue: tao sya! nagkaroon ng chismis na sya ay bading. Hmmmmmmm… Piolo Pascual? Oops sorry hindi. Try again. Sam Milby? Hindi pa rin. Isa pang clue: kamukha nya si McDonalds! Hmmmmmm. Siret! Ang sagot: Michael Jackson!
Patay! MJ pa ang theme! Lalo tuloy akong magmumukang t@# nito! Tsk. Tsk. Tsk. Ang lakas talagang mang-trip ng tadhana!
Moonwalk. Pangatlo sa pinakasikat na dance step sa mundo (sunod sa taktak at otso-otso). Pero wag ka munang magtatatalon sa tuwa dahil pauso ko lang yan. Moonwalk. Dance step na pinasikat ni MJ. Moonwalk. Hanggang ngayon ay di ko sya magawa! Moonwalk. Malamang isasali yan sa sayaw namin at sa iba pang levels! Gagawa lang ng dance step yung mahirap pa! Pero ok na rin yun kasi kung walang Moonwalk. (1) walang Moonwalk, Paranaque (2) hindi sikat si MJ at kung di sikat ni MJ baka maulit na naman yung mga gasgas na themes ng Acquintance tulad ng cowboy, o 60’s, o 50’s at iba pa. diba maiba naman. Pinagtataka ko lang bakit kung kailan patay na yung tao tsaka sya nabigyan ng importansya at pagmamahal. Pero nung habang buhay pa sya malamang bukambibig mo ay “NAKAKAINIS KANG BAKLA KA! PATI BATA PINAPATULAN MO! MAMATAY KA NA SANA!! BUTI NA LANG DI KA NA SIKAT!” diba? Kulang na lang pumunta ka sa mansyon nyang mas malaki lang ng isang kwarto kesa sa bahay namin at tadtarin sya ng saksak! Nung buhay pa siya. Ngayon “BAKIT UNANG KINUKUHA ANG MABABAIT!”. Kaya kung gusto mong sumikat, ang one and only requirement mo ay pumunta sa langit.
Balik ulit sa acquaintance….
Ang isa ko pang pinoproblema ay ang costume. Saan kaya ko maghahagilap ng makintab na jacket (o pula), puting gloves, itim na sombrero, at bitin na pantalon! Bad trip talaga. Kung may alam nga kayo ipaalam nyo sakin. Ang gusto ko lang naman eh yung hindi makati, hindi mainit at hindi kulay dilaw! Baka kasi magmuka akong mais nun eh. Ahhh alam ko na! nagkalat nga pala ang mga ukay-ukay dyan. Bakit ka nga naman bibili pa sa mall ng malaginto sa mahal na costume eh ilang oras mo lang naman gagamitin. Pero kung tatay mo naman si Henry Sy eh sige lang bili lang ng bili! Basta ingat ka lang sa mga demonyo sa tabi-tabi.
Ang isa ko pang pinoproblema (parang lahat problema ko) ay ang practice. Wala pa naman akong balak mag diet, pero parang ganun na nga ang nangyayari. Wala naman akong balak mag sundalo, pero parang yun na nga ang nangyayari. Hindi naman ako pumatay ng tao, pero parang ganun na nga ang nangyayari. Kainis! Kahit anong tama ng bilang ng choreo namin di pa rin ako makasabay. Oo nga pala bakit kaya ganun ang counting samin “one and two, three and four, five and six, se, ven, eight” kaya imbes na walong counting lang, nagiging dose!
Bahala na nga sa July 31! Basta kung ano man ang mangyari di ko kikitilin ang buhay ko! Tsaka di naman ako nag-iisa eh.
Gusto nyo bang malaman kung anong mangyayari sa July 31? Mag donate lang kayo ng 300 pesos! Kumpleto na yun tsaka detalyado! Gusto mo ikwento ko pa na parang yung kay Kuya Bodjie eh! With matching puppet.
No comments:
Post a Comment