Ahem! Ahem! Magandang Umaga (o hapon o gabi) sa inyo!
Medyo kinakabahan ako kasi una ko tong post dito! Pero hindi ito ang pinakauna ko talagang blog kasi meron na kong blog sa Friendster (http://jepamz.blog.friendster.com/).
Naisipan kong gumawa ng blogsite dahil ayokong nasa friendster lang ako. Kasi mga kaklase ko lang ang nakakabasa nito. Sa awa siguro sakin ng mga kaklase ko, kaya sinasabi nilang ok ang mga blogs ko. Ewan ko kung ilang percent don ang totoo. Oh talagang dala lang ng awa sakin. Ewan ko.
Tsaka wala muna kong ikekwento dahil nga una ko tong post, kung baga nagpapakilala pa lang ako. Kaya
Pero ok lang sakin kahit di kayo matuwa sa mga gawa ko, sasaluduhan ko pa nga kayo pag sinabi nyo ang totoo dahil matututo ako dun sa mga sasabihin nyo. Tsaka ano namang maaasahan mo sa trese anyos na bata? Diba?
Yan ok na yan! Ayoko na ring magtagal kasi masyado ng seryoso ang mga sinasabi ko. Eh pangako ko naman na gagawin kong Humor tong blog ko.
Salamat sa pakikinig! Buti na lang di ka inantok!
2 comments:
ilang taon ka na kid?
nakakatuwa ka. magsulat ka lng
ng magsulat :))
pero feeling ko hndi ka bata
kc iba ka mag-isip.
pwede. pwede kng writer. konti pa.
14 yrs old lng po tlg ako!!!! 2nd year haysskul!!! hehe salamat po sa pagtangkilik!!! writer??? hehe
Post a Comment