Bakit sila nagkalat? Kasal, lamay, birthday, pasko, bagong taon at iba pa. Bakit sila pinaniniwalaan at ginagawang basehan? Bakit?
Ano nga kaya, PAMAHIIN = KALOKOHAN? O PAMAHIIN = KATOTOHANAN? Eto ang ilan sa mga pamahiing Pinoy (galing sa http://hagonoy-bahay-kubo.blogspot.com/2008/03/filipino-superstitions.html at sa http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Folk_Beliefs/mga_iba_pang_pamahiin.htm (wow resourceful na!) at yung iba, nakastuck lang sa utak ko).
Wag kakanta habang nagluluto, D.O.M. ang mapapangasawa mo. – nasa sayo yan, D.O.M. nga, rich kid naman! Pero yun nga lang para kang may kasamang Iguana sa bahay! Pero kung mautak ka, wag pumatol sa D.O.M.! Tsaka hindi rin naman siguro totoo to kasi malalaman mo naman yun kung matandang huknobang amoy lupa na yung nanliligaw sayo eh. Kahit magpabatak pa yan ng 67 times ng mukha halata pa rin sya.
Pag sinisinok, nagnakaw daw sya ng itlog sa kapitbahay. - ahh eto malupit! Madali nang malalaman kung sino ang salarin. Sana meron ding ganito sa mga nagnakaw ng cellphone o ng wallet. Pero kung totoo man to, e madali na ring mag-astang inosente kasi kung sinok lang ang pagbabasehan, e di lagyan mo nang sinulid yung noo mo para mawala ang sinok mo.
Kapag nangangati ang ilong mo, may humahalik sa litrato mo. – ang galing ng mga nag-isip ng mga pamahiin ah! Very creative! Pati ba naman pangangati ng ilong, may ibig sabihin! Eto siguro totoo to kasi laging nangangati ilong ko eh.
Wag magwalis pag gabi. – dalawa ang alam kong version nito eh. Yung isa baka daw kasi mapuwing ang Virgin Mary, kasi sa gabi sya naglalakad. Yung isa naman kasi daw nung unang panahon (bibihira pa lang ang may PSP) eh walang ilaw kaya pag daw nagwawalis sila pag gabi, nawawalis nila yung ari-arian nila.
Pag napanaginipan mong mamamatay o namatay ka, kagatin ang katawan na puno para lumipat dun ang malas. – yuck! Bakit sa puno pa? baka kasuhan ka pa ng DENR pag ginawa mo yun. Pwede bang sa ulam na lang?
Sa halip na unan, libro ang gamitin, pampatalino. – sinubukan ko ‘to, isang beses! Kaso bad trip. Di ako makatulog! Baka salungat ang ibig sabihin nito kasi imbes na tumalino ka lalo kang pupurol kasi puyat ka! Diba?
Magsabit ng bawang sa bahay para walng mumu. - wala ngang multo, amoy bangkay naman bahay mo.
Wag huhugasan ang lalagyan ng pagkain na binigay sayo ng kapitbahay, baka hindi ka na nya dalhan ng pagkain. – ang balahura naman non. Ibabalik mo sa kapitbahay yung plato na kulang na lang eh lipatan ng mga langaw sa sobrang dumi. Mahiya ka naman!
Wag maninilip! Magkakaroon ng kuliti. – bentang asaran to samin! Pero di pa ko nagkakaganyan eh. Tsaka yung isa kong kaklaseng BABAE lang ang alam kong nagkaganyan samin. Nakapagtataka.
Mga suhi lang ang nakapagpapagaling ng tinik sa lalamunan. - madaya ‘to! Ano suhi lang ang anak ng Diyos pagdating sa hilutan? Unfair yan.
Bawal maligo pag may (mens), tataas ang blood pressure. – huh? Bawal maligo? Buti na lang di ako babae.
Hindi magandang pakasalan ang mga may nunal sa mukha na nadadaanan ng luha. - tsk! Tsk! Tsk! Kawawa naman yun. Wala ba silang karapatang magkaroon ng asawa at lumigaya sa buhay!
Bawal maligo pag may patay. – ang masangsang na amoy ang dahilan sa maganda at matiwasay na pagbiyahe ng kaluluwa sa langit.
Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, o balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay. – hindi ako mahilig magsuklay pero kung totoo man ‘to, hindi na talaga ko magsusuklay sa gabi. Ayokong makalbo! Magiging kamukha ko si Barney! Tapos pag daw di napigilan, kagatin ang suklay? Teka baka mali lang ako ng basa. Tama nga! Yuck! Ang lagkit nun. Parang Saudi Arabia! Tapos may kung ano pang hayop ang nandun!
Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende. – damit lang ba problema ng mga dwende? Ang babaw nila! Ang daming dapat problemahin damit pa! Tsaka bakit naman pagiinteresan ng mga dwende damit natin eh ang sikip non sa kanila!
At aking favorite……
Huwag maliligo sa araw ng Biyernes, huwag maliligo sa hapon, sa gabi, sa unang Biyernes ng buwan, sa araw ng Biyernes Santo, sa Araw ng Bagong Taon, sa araw ng piyesta ni San Lazaro, sa ika-labing tatlong araw ng buwan, kapag ikaw ay gutom, matapos kumain, bago magsugal, pagkatapos magsimba, kapag may bahag-hari, sa kabilugan ng buwan. – eh @!#% naman eh! Wag ka na lang kayang maligo tip ko lang para wala nang away. Tsaka bakit bawal maligo pagsimba? Pano pag kasing layo pa nang Jupiter yung pinakamalapit na simbahan?
1 comment:
Mabuti pa ay maligo nalang tungkol sa pangangati na iyan :) napunta ako dito akala ko may allergy ako :)
Post a Comment